Sa tuwing dumarating si Elmo ay dumideretso muna siya sa kanilang kusina upang uminom ng tubig. Sa pagpunta niya roon ng gabing iyon ay hindi niya inaasahan na makita ang dalawa niyang anak na nakapangalumbaba habang tinitingnan ang tig-isang pinggan na punong-puno ng chopped apples.
“Oh bakit nakasimangot ang mga baby ko?” Lumapit siya sa dalawa niyang anak para halikan ang pisngi ng mga ito.
“Daddy, kanina pa kaming umaga kumakain ng apples. It’s not yummy anymore.” Reklamo ni Sophie habang tinitingnan niya ang isang pirasong apple na kanyang hawak.
“I’m so full daddy.” Dagdag ni Lance bago siya mag-pout.
“Bakit ba kasi pinipilit niyong ubusin yan?” Inihiwalay ni Elmo ang mga pinggan na nasa harapan ng mga anak niya dahil naaawa na siya sa mga ito.
“Kasi daddy sabi ni mommy kailangan daw po naming ubusin yung mga chopped apples na pini-prepare niya. We’re so saturated daddy.” She paused. “Very.” Sophie pouted.
“Okay sige na, maglaro na kayo. Ako na ang bahala sa mommy niyo.”
“Yey! Thank you daddy!” sabay na sambit ni Sophie at Lance bago sila nag-unahan papunta sa living room.
Nakita ni Julie ang mga anak niya na tumatakbo papunta sa kanilang living room habang nababa siya ng hagdan. Susubukan niya sanang habulin ang mga ito ngunit mas pinili niyang pumunta sa kusina upang tingnan kung naubos nila Sophie at Lance ang pang-labing limang serving ng chopped apples na kanyang ginawa para sa mga ito.
Tumingin muna siya sa dining table nila upang makita kung naubos ng mga anak niya ang kanyang hinanda. Unfortunately, wala kahit isang bawas siyang nakita mula sa dalawang pinggang tiningnan niya.
“Oh baby bakit hindi mo pinaubos kila Sophie yung apples na hinanda ko para sa kanila?”
Napalingon si Elmo sa kanyang likuran ng marinig niya ang boses ng kanyang asawa. Nakasuot si Julie ng pink na maternity dress at white doll shoes habang naka-ipit ng lahatan ang buhok nito. Medyo may kalakihan na ang tiyan ni Julie, at kung ikukumpara sa size noong pinagbubuntis nito si Sophie at Lance ay mas malaki ang tiyan ng kanyang asawa ngayon.
Kaagad siyang lumapit kay Julie upang sandaling halikan ang labi nito. “Baby kanina mo pa raw pinapakain yung mga bata baka naman masobrahan na.”
“Bakit mo nga hindi pinaubos sa kanila?” naiinis na sambit ni Julie.
“Baby, hindi na nga nila kaya. Nakita mo ba yung mga mukha nila? Nakakaawa na kaya.”
“Kahit na, gusto ko ubos yan.” She crossed her arms. “Kapag hindi yan naubos huwag na huwag ka talagang tatabi sakin ngayong gabi. Ilalaglag talaga kita sa kama.” Sambit ni Julie habang tinitingnan niya ng masama ang kanyang asawa.
“Eh bakit ba kasi bigla nalang ganyan ang gusto mo baby? Bakit hindi ikaw ang kumain?”
“Eh sa ayoko nga eh. Gusto ko sila Sophie at Lance lang pero since nandyan ka na gusto ko ikaw naman umubos n’yan.” Pagmamatigas ni Julie kay Elmo.
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanfictionNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...