NH-4

8.6K 263 1
                                    

Unedited.....





Pakiramdam ni Fiona ay may mga paru-paro na nagliparan sa kanyang tiyan patungo sa dibdib ng mga oras na iyon. Lalo pa at ramdam niya ang nanunuot na titig ni JayR.

"Louvelle! Next time be careful dahil hindi lahat ng oras ay nasa likod mo ako para tulungan ka!"sabi nito habang titig na titig sa kanya.

"I'm sorry."bigkas ni Fiona at mabilis na inalis ang kamay ni JayR na nakapulupot sa maliit na bewang niya, ayaw niyang dayain siya ng sariling katawan at tunay na damadamin dahil sa tuwing magkakalapit sila ay natutukso siyang yakapin ito.

Tumango naman si JayR sa kanya, na nalimutan ang sadya sa dalaga kung bakit niya ito sinundan.. Tanging ang likod na lang nito ang kanyang natatanaw ng magbalik ang kanyang huwisyo. Hanggang sa umalis sila pabalik ng Australia. Tahimik silang nakamasid sa ulap na kanilang natatanaw mula sa bintana ng private plane ng mga Fontana. Fiona made herself busy sa paglalaro sa kanyang iphone7.

While JayR is reading some of his book. Hindi sila nag-uusap na akala mo ay hindi kilala ang isa't-isa. Fiona stand up and went to the backseat nahihiya naman siyang makinig sa mga sweets talk ng dalawang nilalang na nasa unahan niya, and as usual para siyang kinukurot sa singit sa bawat "I love you ni JayR kay Shania".

"Love, malapit na ang graduation natin. anong plano mo?''

''Love, I told you that already. On January I am going, mag training na ako sa barko."

"Akala ko na kahit hindi na sumakay at okey lang?"inis na bigkas nito.

"Shania, this is my dream. At sa lahat pa naman ng inaasahan ko ikaw na unang-unang magpapakita ng suporta sa'kin eh parang I was wrong?''inis din na sagot ni JayR.

Napabuntong hininga si Shania sa binata. At isinandal niya ang ulo sa kinauupuan at tila pagod na ipinikit ang mga mata. Inis na naihilamos ni JayR ang palad sa mukha, at ng magmulat siya ng mata ay nasalubong niya ang mga mata ni Fiona na tila nauunawaan siya nito mabilis niyang iniiwas ang paningin dito.

"Do you need anything?''tanong niya dito na hindi nililingon ang dalaga.

"Wala, ikaw?''

"Nothing, specially from you."suplado nitong sagot Sa kanya.

"Okey."tipid na sagot ni Fiona at bumalik na siya sa pwesto niya, muli niyang itinuon ang sarili Sa kanyang cellphone, hanggang hindi niya namalayan na nakatulog siya ng mahimbing dahil na din Sa puyat ng mga nagdaan gabi, Fiona is sleeping peacefully at nabitiwan niya ang cellphone na lumikha ng ingay na ikinalingon ni JayR.

"Ang tigas din naman talaga ng ulo ng babaeng ito, may bedroom naman, dito pa talagang piniling matulog!"inis niyang bigkas at yumuko para hanapin ang bagay na bumagsak! At nakita niya ang cellphone nito.

Marahan na inabot ni JayR ang cellphone at ganun na lang ang pagkagulat niya sa nakita. It was his photo when he is 9 years old, katabi niya ang batang, nakasimangot habang siya ay tumatawa.

Flashback....

"I hate you Gab.''sigaw ng batang babae na humahabol sa kanya, dahil inagaw lang naman niya ang paborito nitong barbie doll.

"I don't care if you hate me. Bakit ba mas marami ka pang oras Sa Barbie doll mo kesa ang makipaglaro sa'kin?''Asar nitong tanong sa batang babaeng pilit na inaabot ang laruan.

''Araw-araw na nga tayong magkasama Sa ISKUL tapos,magkapitbahay pa tayo ano pa ang gusto mo?"

"Ah, ayaw mo na akong kalaro? Fine! Nakakasawa ka na din naman na kalaro dahil ang arte-arte mo, palagi mo pang tinatago ang laruan ni Iona! Kaya from now on, where not friend!"sigaw ni JayR Sa batang mangiyak-ngiyak Sa harapan niya at ibinato niya dito ang Barbie Doll na tumama Sa braso na nagdulot ng sugat dito.

NAVY'S HEART (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon