Unedited....
"Who are you?"gulat na tanong ni Fiona nang magmulat ng mata at mabuglawan si Gabrell na hawak ang kamay.
"Honey ako ito."
"Shhh! Lower your voice and don't touch me! Magagalit ang asawa ko sobrang seloso nun!"angil ni Fiona sa kanya.
"May asawa ka na?"tanong ni Gabrell at sinakyan ang asawa sa pakikipag-usap nito sa kanya.
"Oo."tugon ni Fiona at ngumiti, ang mga ngiting kanyang kinasasabikan.
"Sino ang asawa mo?"
"Ha? Hahaha! Hindi ko alam. Marunong ka ba ng bato-bato pick?"
"Maglalaro tayo?"tanong ni Gabrell na awang-awa sa asawa.
"Oo pero wag kang maingay okey, magagalit yung bantay ko, pagdating noon tutusukan na naman niya ako ng maraming karayom tapos pagsasayawin niya ako ng ganito."sabi ni Fiona at isa-isang hinuhubad ang suot.
"W-wag."awat ni Gabrell na pumiyok na ang boses."h-hihinaan ko ang boses ko wag ka na lang maghubad."
"Sige kuya, pero wag mo akong dadayain ha."
"Oo hindi."
Habang naglalaro ang dalawa ay habag na habag na minamasdan ni Mhitzi ang anak at manugang.
"Lola pwede po kaya akong sumali sa kanila?"tanong ni Lourd Alexis.
"Siguro apo, try mo pero kapag umayaw ang Mommy wag mapilit ha, she is sick eh."pigil ang pag iyak na sabi ni Mhitzi sa apo na agad tumango sa kanya at mabilis na lumapit sa magulang.
"Can I join?"
"Son?"
Nakangusong tumingin si Fiona sa di nakikilalang anak."marunong ka ba?"
"Opo?"
"Okey wag mong gagayahin si kuya madaya."tila batang sabi ni Fiona.
"Dad bakit kuya ang tawag ni Mommy sayo?"tanong niya sa ama.
"Explain to you later, just play and let her win."
"Okey Dad."
Sa unang round ng laro ng mag anak ay tuwang-tuwa si Fiona tumatalon pa.ito sa kama at dinidilian si Gabrell na talunan ng bigla itong nanahimik at natulala.Naalarma si Gabrell ng manahimik si Fiona. At tila hangin sila sa paningin nito.
"Honey?"
Walang sagot buhat kay Fiona kundi ang pag-agos ng luha at pagkibot ng labi. Lalong umantak ang sakit at galit ni Gabrell ng mga oras na iyon para sa taong dahilan ng pagkakaganito ng asawa.
"Uuwi na ako, hinihintay na ako ng pamilya ko."
"Uuwi na ako, hinihintay na ako ng pamilya ko."
"Uuwi na ako, hinihintay na ako ng pamilya ko."
Paulit-ulit na sabi ni Fiona hanggang sa makatulog ito na sinamahan ni Gabrell, ng yakapin siya ng asawa ay muli niyang naramdaman ang ibig sabihin ngbsalitang "im home."
Sa kabila ng sitwasyon nito. Ay napagpasyahan niyang dalahin ito sa Manila para ipagamot.
"Mom kayo na po ang bahala sa Twins."
"Magiging mabait kay Lola ha mga anak."
"Anak Gabrell,kinausap ako ni Manang tungkol kay Abe."makahulugang sabi ni Mhitzi sa anak.