Unedited...
Ang Pagbabalik....Mabilis na hinaklit ni Gabrell ang braso ni Abe at kinaladkad ito palabas ng kwarto nila. Nagulat siya sa paraan ng paghalik nito isang tao lang ang kilala niyang pangahas na ganito at gusto niyang mapatunayan iyon.
"Matagal ko ng sinabi sayo, hindi ako papatol sa kahit sinong babae hanggang di ko nakikita ang asawa ko! And now she's back I want to know everything, kung bakit siya nagkaganun!? At kahit ilang milyong beses mo pa akong i-seduce hindi ka magtatagumpay."
"Gabrell mahal na mahal kita!"sigaw nito na ikinapatda ni Gabrell.
"Hindi kita mahal at lalong hindi kita mamahalin Abe!"
Gabrell wanted to break her neck pero wala siyang panahon sa kalokohan ni Abe dahil lasing ito. Kaya naman ipinagbilin niya sa mga guard na wag itong papalabasin ng Mansion na hindi nila alam kung saan ito pupunta,hanggang hindi niya nakukuha ang impormasyon sa pagkatao nito.
Ilang buwan ang lumipas sa buhay ng mag-asawang Gabrell at Fiona,unti-unti ng bumabalik ang kulay nito at ang dating pangangatawan. Gabrell did everything for her,feed her shower her,at kahit ilang beses pa siya nitong tapunan ng pagkain sukahan at ipagtabuyan, tiniis niya ang lahat ng iyon. Kagaya ngaun na sigaw ito ng sigaw at walang humpay ang paghalakhak. Ayaw niyang ipasok sa mental ang asawa kaya tinatyaga niya itong alagaan sa bahay nila sa Manila, sa telepono at facetime na lang niya nakakausap ang mga anak na nasa pangangalaga ng kanyang magulang.
"Marga, wala pa rin pagbabago sa kanya."malungkot niyang sabi sa kaibigan ng asawa."it's almost 5 months pero ganyan pa rin siya."
"Anong balita sa paghahanap kay Andrei, wala siya sa Scotland lumipat daw ito sa bansang New Zealand,at si Abe ay nasa Mansion nyo pa rin wala pa rin siyang alam na pinagdududahan natin siya dahil hanggang ngaun magaling itong magtago ng totoo, tama ba?"
"Ayaw ko siyang magkaroon ng ideya hanggang hindi bumabalik sa katinuan ang asawa ko."
"Gabrell, can i see her ?"
Tumango si Gabrell at sinamahan siya sa kwarto nilang mag-asawa.
"Honey may bisita ka."pagbibigay alam niya sa asawang naglalaro ng barbie doll ngunit wala itong tugon.
"Alam mo uuwi na ako."biglang sabi ni Fiona na ikinailing ni Gabrell.
Nilapitan ni Marga ang kaibigan at hinawakan niya ang isang Barbie doll nito na sa pagkagulat niya ay bigla siyang sinampal nito.
"Honey!"tigalgal na sabi ni Gabrell."marga Im sorry."
"Okey lang, Gab."at hinarap niya ang kaibigan."kailan ka ba lalaban Fiona! Kapag wala ka ng ipaglalaban!"sigaw niya dito na ikinapangatal ni Fiona."kailan mo ibabalik ang dating ikaw! Yung matapang yung palaban na Fiona! Kailan ha? Kapag naagaw na naman ng Shania na yun ang lalaking pinakamamahal mo?"sigaw ni Marga na napahagulgol sa habag sa kaibigan.
Gabrell wanted to stop her, pero nawalan siya ng sapat na salitang sasabihin, it might help his wife or not ang ginagawa ng kaibigan. "God knows."bulong ng isip niya.
"Marga?"
"Gabrell she needs to fight!"
Nakatingin si Fiona kay Marga habang binibigkas nito ang pangalan ni Shania.
"Shania... Shania....Shania..
"Yes Shania, mang aagaw siya, kalaban mo siya! Kaya gumising ka na sa kabaliwan na ito Fiona!"