NH-21

8.2K 253 0
                                    

Unedited.....


"Matindi rin ang sampalataya mo sa sarili mo ano."untag ni Fiona sa dalagang si Shania."ilagay mo itong mabuti sa utak mo! You mess a wrong person Shania!"mariin niyang bigkas dito matapos nila itong dalahin sa hospital ni Gabrell.

"Honey, tara na."untag ni Gabrell sa dalaga na galit pa rin nakatingin kay Shania na umiiyak.

"Gabrell, dito ka muna, asikasuhin mo muna ang babaeng iyan hanggang wala pa ang lalaki niyan."

"What no way hon! Baka mamaya hindi na kita makita pa at kinuha ka ng Andrei na iyon."

"Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Hon meron pero kay Andrei wala."

Makikipagtalo pa sana si Fiona sa binata ngunit sinelyuhan ng halik nito ang kanyang labi dahilan para manahimik siya na agad naman niyang tinugon. Hanggang sa igiyan na siya nito palabas ng kwartong kinaroroonan ni Shania, ng makalabas sila ay saka naman dumating ang Doctor na tumingin dito.

"Sino po ba ang kamag-anak ng pasyente?"

"Concern citizen lang po kami Doc,ano ho ba ang lagay niya.?"tanong ni Fiona dito.

"Well, she is two months pregnant at muntik na siyang makunan,kaya next time she has to be carefull or she will lose her child."

"Okey Doc salamat,parating na ang asawa niya any moment."

"Okey Salamat dahil,kailangang pumirma ni Mr.Fontana sa isang waver dahil medyo,maselan ang pagbubuntis ni Ms Lawton."

Magsasalita sana si Gabrell ng pigilan ito ni Fiona."Doc he is Gabrell Fontana,my fiancée nagkakamali ka siguro ng tinutukoy na asawa ni Ms.Lawton, anyway we have to go."inis na sagot ni Fiona at hinila ang kasintahan.

"Hon,have you heard about Dwayne and Ondrea?"ang pagbubukas ni Gabrell ng paksa sa namamagitang katahimikan sa kanilang dalawa.

"Oo we're chatting."

"With Dwayne?"

"Yes with Dwayne, ang sweet pala ng loko sayang."mapang-asar niyang sagot dito at inaayos ang suot na black sunglasses at bahagyang sinulyapan ang binatang halos matuwid ang kilay sa inis.

"Anong sayang doon?"inis nitong tanong.

"Bilisan mo ngang magmaneho nagugutom na ako."reklamo niya dito.

"Walang kakain unless lilinawin mo sakin ang "word na sayang! Ms Aguinaldo soon to be Fontana."

Lihim ang pagngiting ginawa ni Fiona, gustong-gusto niya kapag napi-piss-off niya ang binata para itong Leon na any moment ay manlalapa ng biktima nito. Talo talaga siya nito dahil sa mga pasuplado look nito na ikinatutunaw ng lahat ng inis na nararamdaman niya dito.

"Fine."kunway inis niyang sabi."sayang dahil siya naman kasi yung una kong nagustuhan sa inyong mga Fontana. Ang cute niya kasing ngumiti, parang laging nangungusap ang mga mata."tila nanaginip niyang sambit.

"Ah ganun!"inis pa rin sabi ni Gabrell.

"Yah ganun nga Gab!"

"Bawiin mo ang sinabi mo, mas maganda akong ngumiti sa kanya! Lalo na ang aking mga mata!"asar na asar na sabi nito.

"Im not liar! Gabrell! Kaya tara na please gusto ko ng pancake sa jolibee."

"No!"

"E di baba na lang ako."sagot niya atsaka dinukot ang cellphone sa kanyang bag at i-diniyal ang number ni Andrei, ngunit hindi pa lang iyon nagri-ring ay nahablot na iyon ni Gabrell na salubong ang kilay.

NAVY'S HEART (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon