Unedited.....
"S-shania?"
"Ha? Sinong Shania?"tanong ni Abe.
"S-sorry, kakilala kong gusto kong patayin kapag nakita ko."tugon ni Gabrell at tumalikod na sa kanya.
"Im sorry din naalala ko kasi nephew ko, si jayR takot kasi iyon sa matataas na lugar."
"Ganun ba."alanganin sagot ni Gabrell at sinundan ang mga anak nito.
Flashback.........
Natigalgal si Abe sa sinabi ni Gabrell, hindi niya akalain na ganuon pala ang galit nito sa kanya. Yes siya si Shania, wala siyang binago sa sarili niya kundi ang kuly ng kanyang buhok at ang gupit nito, her contact lens an everything is her, nagpalagay lang siya ng nunal sa gilid ng mata ngunit kung iisipin at titigan mabuti at siya pa rin si Shania. Ng makapanganak siya ay pumayag sa kagustuhan ni Andrei ng tuluyan na siyang iwanan ni Howard dahil bumalik ito sa tunay nitong asawa ng makunan siya 5 years ago sa anak nito. Nagsama sila ni Andrei para sa mga plano at hindi sinasadyang minsan nalasing sila ay may nangyari sa kanila at nabuntis siya, her daughter is 4 years old, Andrei took over her child para magamit sa pagbawi sa mga mahal nila, yes,totoo magkasabwat silang dalawa. Minsan niyang nakita ang Diary ni Fiona sa bahay ng mga ito at pinagdikit-dikit lang niya ang mga sulat kamay ni Fiona at dinala sa isang eksperto para magmukhang bagong sulat iyon.
Bago sumapit ang birthday ng kambal ay narinig niya ang pag-uusap na dalawa kaya agad niyang sinabihan si Andrei at pina-abangan si Fiona hanggang sa nakuha nito si Fiona at dinala sa US at pinalitan nito ang pangalan ni Fiona habang unconcious ito sa mga drogang itinurok ni Andrei dito. Andrei is not really sick, kinuha nito ang records ng kapatid nitong namatay sa tumor sa utak at pinapalitan ng pangalan, hindi nito matanggap na wala na si Fiona sa buhay nito kaya gumagawa ito ng paraan para mabawi ito mula kay Gabrell at maging siya ay ganun din. Hanggang sa wala na siyang balita sa mga ito sa loob ng limang taon.
"Yaya Abe.!?"ang halos pasigaw na tawag ni Lourd Alexis dito.
"Ay kalabaw! Sorry Alexis, bakit?"
"We're going home!"angil nito.
Sa dalawang anak ni Fiona ay ito ang hindi niya makasundo, hindi mo iisipin na 5 years pa lang dahil sa talas ng isipan nito lagi itong nakamasid at tila nag-aaral sa bawat kilos niya.
"Sorry Gabrell, naalala ko lang ang mga pamangkin ko."
"It does'nt matter Abe ."
Sa paglipas ng araw ay naging smooth na ang lahat sa pagitan ni Gabrell at Abe, paminsan-minsan ay nagkakasabay sila sa pagkain lalo na kapag weekend. But Gabrell is still the same, he never laugh nor smile to anyone, unless his kids and family.
"Gab, magpapaalam sana ako, just for a week may bisitahin lang ako sa La Union,pamangkin ko."paalam ni Abe.
"Sure,kailan ba ang alis mo?"
"Bukas sana, if you don't mind."
"Okey you can go,kahit today walang problema, aalis din naman kami ng twin's."
"Saan kayo pupunta?"maang na tanong ni Abe.
"Nag-request kasi Mom at Dad na mag stay kami kahit weekend sa kanila,pinagbigyan ko na tagal na kasi nilang sinasabi eh, bakit?"
"Ha! Wala naman, sige enjoy then."
¤¤¤¤¤¤ KINABUKASAN