Prologue

250 23 0
                                    

Prologue

"Baby, bakit hindi ka pa bihis?" Napatingin ako kay Mommy na nasa pinto. Nakabihis na sya pero hindi pa nya naaayos yung buhok nya.

"Mom, ilang beses ko po ba kailangan sabihin sa inyo."

"Moira." Nilapitan ako ni Mommy.

"Ayoko pumunta."

"Pero ang teacher mo na ang kumausap sakin, kailangan nating pumunta. Marami ka nang hindi pinuntahan na activities sa school nyo."

"Pero iba ngayon, Mom. Family day at ayokong pumunta dun."

"Bakit?" Umupo sya sa tabi ko. Nagkatinginan kami sandali pero umiwas naman ako agad.

"Basta."

"Dahil ba kulang tayo?"

"Mom."

" Sige kung yan ang gusto mo." Tumayo sya. "Tatawagan ko na lang ang adviser mo na hindi tayo makakapunta." At lumabas na si Mommy.

"Sorry, Mommy" bulong ko.

Noong bata pa ako..

"Papa, fries lang po sakin." Napatingin ako sa bata na katabi lang namin.. Nakapila din tulad namin. Hawak-hawak ng bata yung braso ng Papa nya.

"Baby" napatingin ako kay Mommy.

"Mommy, gusto ko din nun." Turo ko sa laruan na hawak ng bata. Nasa isang fast food chain kami nun ng makita kong may hawak ang bata na laruan.

Tumingin sya sa tinuro ko. At tumingin ulit sakin. "Baby, saan dito?" Pinakita nya sakin yung isang papel na may mga pictures ng iba't-ibang laruan.

"Yung katulad ng hawak nung bata, Mommy." Tumango lang si Mommy at tinuon ulit ni Mommy ang tingin sa crew.

Inggit.

Ganyan ako dati. Ma-inggitin. Lahat ng hingin ko kay Mommy ay binibigay nya sakin. Hindi naman talaga ako ganun pero.. Ang hirap kasi.. na kung ano pa yung gusto mo.. Ang pinaka-gusto mo .. Yun pa yung hindi nabibili ng pera.

Kaya tinuon ko na lang sang sarili sa mga bagay na kaya kong makuha.

Humiga ako sa kama, kinuha ang unan ko at niyakap. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa tabi ko lang pero hindi ko to pinansin. Hanggang sa tumunog na'to. Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello?" Malumanay kong sabi.

"Moira.." Kabaliktaran naman ng nasa kabilang linya na napakasigla ng boses.

"Nics?!"

"Sama ka?"

"Ah?"

"May outing kami ngayong sembreak. Sumama ka aa." Napangiti na lang ako. Dahil sa kanila. Nakakalimutan ko na may kulang sa buhay ko.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon