Chapter 7

115 8 0
                                    

Chapter 7

 

Lj's P.O.V

Habang tumatagal na nagliligawan sina Leena at Kevi ay nagiging malapit naman kami sa grupo nila. Nagkakasundo na kami dahil sa lagi na kaming magkakasama.

Sanay na kumakain ng sabay tuwing lunch break. Kapag training naman ay naghihitay sila sa bleachers o kaya sa quarters hanggang sa matapos kami. Minsan naman ay nasa room namin sila .. Habang wala pang klase.

"Ranz, tignan mo nga to." Napatingin ako kay Ronnie. Na nagpapatulong sa assignment namin.

"Tama naman, ang kaso yung solutuon mo may mali. Pati sa graph." Kinuha ni Ranz ang notebook ni Ronnie.

"Patingin nga." Lumapit si Leena sa kanilang dalawa para tignan yung sagot. "Paanong nagkamali?"

Masaya din pala kapag marami kayo na magkakasama. Nasanay kasi ako na isa o dalawa lang ang kaibigan ko. Kuntento na'ko sa ganun.

Pero sa hindi inaasahan ay nagkaroon ako ng maraming kaibigan.

"Ikaw? Lj, ano ang sagot mo?" Lumapit din sakin si Leena para tignan ang notebook ko.

"A-ah?"

 

"Pareho nga ng sagot ni Ranz." Umupo sya sa tabi ko. "Ang galing mo naman Lj." At kinopya yung sagot ko. Ganito naman talaga kami -- palitan ng sagot. Kapag may sagot sya ako naman ang kokopya. Pero during exam. Hindi namin ginagawa yun kapag assignment lang.

Habang nakay Leena ang notes ko. Hinanap ko si Rupert kung nasan. Tumingin ako kay Philip at sumesenyas lang ito sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko sina Rupert at Ate Sophie na masayang nag-uusap.

"Kanina pa kayo dito?" Boses ni Kevin. " Hi. Leena." Tumingin si Rupert kay Kevin na katabi ni Leena. Kaya agad akong umiwas dahil baka mapansin nya na nakatingin ako.

Bakit? Ginawa ni Philip yun? Tumingin ako ulit kay Philip. Nginitian lang nya ako. Ako naman ay ngumiti din pero pilit. Bakit kaya?

At baki ganito ang nararamdaman ko. Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko mapaliwanag pero ngayon ko lang to naramdaman. Ayoko ng ganito. Na para bang na sakin na ang lahat ng problema. Pati ang pagtibok ng puso ko ay kakaiba. Huminga ako ng malalim pero ganun parin.

Nagpaalam ako sa kanila at lumabas ng room. Pilit kong inaalam kung ano tong nararamdaman ko at kung bakit ko to nararamdaman.

 

"Lj.~~" napalingon ako. At hinanap ang tumawag sakin.

"Philip." Bulong ko. Nakangiti sya sakin habang papalapit. "Bakit?"

 

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon