Chapter 20

57 8 0
                                    

Chapter 20

 

Moira's P.O.V

 

Yung mga tingin nya sakin kanina. Bakit ganun? Tumingin ako sa sapatos ko. Pangit ba yung sapatos na pinabili ko kay Papa? Hmn.

"Loira."

Lumingon ako. "Bakit?" Si Philip nanaman. Hindi ko alam kay Loira kung ano ang nagustuhan nya dito kay Philip. Almost two years na crush. Kung si Rupert siguro ang crush nya baka ginawa ko pa lahat para sa oras na magpalit na kami. Ay botfriend na nya talaga si Rupert.

Ang kaso ang sabi nila Leena sakin at Ronnie si Rupert ay nagawang lokohin si Loira. At si Philip naman ay talagang gustong-gusto ni Loira dahil nagawa pa nito na mag-confess.

 

"Ano? Hindi mo pa ako sinasagot."

 

"Sinasagot?"

 

"Oo. Sa panliligaw ko. Bakit parang iba yata ang iniisip mo? Bakit? -- sasagutin mo na ba ako kahit hindi pa ako nanliligaw?"

 

"Hindi ka pa pala nanliligaw sa lagay na yun aa?" Umiling sya. Kung ganun ang pag-intay nya sakin tuwing umaga sa bahay, Ang pagbili nya sakin ng lunch, at ang pagsunod sakin lagi ay hindi pa pala panliligaw ang tawag dun. "Hindi pa talaga?"

 

"Oo." Nilapitan nya pa ako at nginitian. Nakakainis talaga yung mga ngiti nya. Nakakapikon. Hnmp. "Ibig sabihin para sa'yo ay panliligaw na yun. Kung ganun matagal mo na pala ako pinayagan na ligawan kita."

 

"Pinayagan? Hindi aa."

 

"Anong hindi." Patuloy parin sya sa paglapit sakin kaya kusa nang gumalaw ang mga paa ko palayo naman sa kanya. "Hinayaan mo lang ako na gawin ko ang mga bagay na yun. Ibig sabihin pumayag kana."

"Ay bahala ka nga." Tinulak ko sya palayo sakin. Nagulat ako dahil hawak na nya ang kamay ko. "Ano ba."

 

"Mamaya."

 

"Bitawan mo nga ako."

 

"Sandali lang, patapusin mo naman ako."

 

"Hindi mo nanaman kailangan na hawak mo ang mga kamay ko. Makikinig pa rin naman ako."

 

"Gusto ko kasi." Napatigil ako. Bakit ganito biglang bumilis ang tibok ng mga puso ko. Yung mga ngiti nya na nakakainis pagmasdan. Ngayon ay nagiging dahilan kung bakit kinakabahan ako. "Mamaya. May laro kami. Practice game. Manuod ka aa." Tumango ako. "Thank you." At binatawan na nya ang kamay ko.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon