Chapter 41

48 5 0
                                    

Chapter 41

 

Moira's P.O.V

 

Sa gym kami pumunta ni Loira. Naghiwalay kami sa main entrance ng gym.

"Mamaya na lang tayo magkita." Sabi ko sa kanya at tumango-tango lang sya. Tini-text nadin kasi kami ni Leena at Ronnie dahil nagsimula na daw ang game.

Si Loira ay pumunta na kina Leena. Ng marinig ko ang mga sigawan ng nasa loob ng gym. Kaya pumasok na muna ako sandali. At tinignan kung ano na ang nangyayari. Sina Rupert, Kevi, Ranz at Philip.. Kasama sila sa first five.

At ng papunta na sila sa kabilang halfcourt ay nakita ko si Philip na nakatingin sakin. Napayuko na lang ako. Muli ko syang tinignan at nakatingin parin sya. Tss. Kaya tumalikod na lang ako at lumabas ng gym.

Sa tuwing iisipin ko yung mga sinabi sakin si Loira parang kalokohan lang. Nakakainis dahil sa tiwing may maiisip ako na magandang dahilan na talaga ngang ako ang minahal  nya nung mga panahon na yun ay laging may taliwas akong naiisip.

Laging salungat sa gusto ko. Bigla na lang gagaan yung pakiramdam ko at kikiligin sa tuwing naiisip ko yung mga ginawa nyang panliligaw pero bumigat din agad ang pakiramdam ko at naiinis sa sarili sa tuwing maiisip ko na para kay Loira yun.

...

Ng matapos na ang laro ay nakipagkita sakin si Loira sa likod ng gym.

"Okay na." Salubong nya sakin.

"Sigurado ka ba talaga dito?" Nag-aalinlangan talaga ako sa gagawing namin to.

"Oo naman. Diba ito naman din ang gusto mo." Tumango-tango ako bilang sagot. "Kaya natin to okay.. Sabi nga ni JM mas okay na yung nagpakatotoo tayo. Kahit hindi natin sigurado kung anong mangyayari... Basta nagpakatotoo tayo at humingi ng sorry." Hinawakan ko sya sa buhok at tinanggal ang ponytail nya. "Bakit?" Umatras sya ng kaunti at kinuha sakin yung pony.

 Pareho kami ng damit ngayon. Nung nakita nga namin to pareho ay nagulat kami at sabay na nagtawanan.

Hindi naman alam na pareho pala kami meron nito. Kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsuot kami ng parehong damit. Tulad ng madalas na ginagawa ng magka-kambal. 

 

"Mas maganda kaya sa'yo ang nakalugay."

 

"Ayoko." At muli syang nag-ipit.

"Bahala ka nga."

 

"Uy basta ang napag-usapan."

 

"Oo" at ngumiti lang sya sakin. Muli kaming naghiwalay. Palibhasa kasi sya ay sigurado sya na gusto talaga sya ni Rupert samantalang ako.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon