Chapter 5

104 12 0
                                    

Chapter 5

Lj's P.O.V

Hindi ko naman kasi maintindihan yang si Kevin. Kung gusto nya makipagbalikan edi sya gumawa ng paraan para makapag-usap sila. Bakit ba kasi kailangan ko tong gawin. Pero siguro okay na'to para makalimut sa ibang paraan.

"Sige na Leena, last semester ang baba ko sa P.E. Ayoko naman na ganun ulit."

"LJ, kung gusto mo magpaturo. Edi magpaturo ka. Bakit kailangan mo po ako isama."

"Please."

"Ayan si Ronnie oh, bakit hindi mo yayain."

"Kanina pa po ako pumayag."

"Kasama mo naman pala si Ronnie."

"Ano ka ba Leena.. Nandun si Ranz. Sigurado akong sila lagi magkasama kaya pa'no ako."

"Nandun naman din si Philip aa."

"Leena."

"Loira Jean.. Nandun ang pinsan mo, alam mo naman na--"

"Tamang-tama to para maka-move-on kana." Ayoko naman talaga na magkabalikan sila. Dahil ayoko si Kevin para sa bestfriend ko. Pero desisyon parin yun ni Leena. "Nakakapagod na din kasi kami na makita kayong lagi na lang nag-aasaran."

"Kung ganun, sorry Lj."

"Pumapayag kana?" Umiling sya. "Please Leena."

"Leena, tama si Lj. Mas mabuti na ganun para maka-move-on kana diba. At kahit ako ay naiinis na makita kayong nag-aasaran. At one year nanaman din yun kaya --" tumingin sya sakin.

"Oo. Mas mabuti na ipakita mong wala na. Naka Move on kana. Para tigilan ka narin ni Kevin."

"Oo na. Oo na." Tumingin sya sakin. "Para sa Midterm lang to aa." Tumango ako.

Mabuti naman kung ganun. Basketball kasi ang P.E namin ngayung semester. At ako po ay wala kaalam-alam kung pa'no yun laruin kungdi e-shoot lang ang bola sa basket.

Kaya ang naisip ko na paraan ay magpaturo sa mga varsity player kung pa'no laruin yun. Natulungan na sina Kevin at Leena, mapapasa ko pa ang practical test at makakalimutan ko pa yung dapat kong kalimutan.

...

Pagkatapos ng training ko sa Volleyball. Ay inumpisahan na namin ang pagpapaturo kina Kevin.

"Thank you." Bulong ni Kevin sakin. Yes!! solo ko ang T.V sa loob ng isang buwan. Tumingin ako kay Leena. Nagkatinginan kami. Ngumiti lang ako sa kanya. Sorry.

"Hi." Nakangiting bati sakin ni Rupert.

"Hi." Bati ko din sa kanya. Pinuntahan na nya sina Philip at ate Sophie sa bleachers. Sina Ranz at Kevin kasi ang magtuturo samin.

Nag-umpisa na kami. Sandali lang naman din yun. At kawawang Kevin dahil hindi man lang nagawa ang makalapit kay Leena. Basta ako nagawa ko na yung gusto nya. Bahala na sya kung pa'no makaka-usap si Leena.

...

Kakatapos lang ng klase namin.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Sabi ni Ronnie habang pababa kami ng hagdan.

"Umuulan kasi." Malumanay kong sabi.

"Hindi pa ba sinasauli sa'yo yung payong mo?" Tumango ako. "May payong naman ako." Kinuha ni Ronnie ang payong sa bag. At nakangiti na pinakita sakin. Tumingin ako kay Leena.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon