Chapter 39

47 4 0
                                    

Chapter 39

 

Rupert's P.O.V

December 7, 2005 .. Wednesday.

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang pagod.. Grabe ang training na pinagawa samin ni coach kahapon.

Si Philip nga sumisigaw na.

"Ayoko na sumali sa Team!!!" At halos lahat kami ay nagtawanan dahil sa sigaw na yun. At salamat din sa sigaw na yun dahil narinig namin ang pito ni coach na halos apat na oras ko nang hindi nadidinig.

Ang pito ng --

"Okay .. Water break muna. 5 minutes."

 

At isa din sa mga dahilan kung bakit hindi ako makatulog ay sa sobrang excited para sa game. Kahit ilang beses na kami naglalaro sa regional. Parang ito parin ang una.

At -- ngayon ay makikita ko na si Lj.

"Good luck sa game!!" Sabi ni Sophie na naka-upo sa bleachers. Katabi nya sina Leena at Ronnie.

Hindi ko tuloy maiwasan na hanapin si Lj.

 

"Halika na.." Tumingin ako kay Kevi sandali pero tumingin ulit ako agad sa bleachers para hanapin ulit si Lj. "Kasama ka sa first five." Tumango lang ako. At pumunta na'ko sa court pero ang tingin ko ay nasa bleachers pa din.

 

"Go.. Kuya Philip!!" Sigaw ni Ronnie.

At pumito na ang referee. Si Kevi ang nakakuha ng bola sa jump ball. At agad naman na ipinasa sakin.

Pumunta na ako sa half court. At ng may humarang sakin na number 10 ng kalaban naming team.

"Rup!" Sigaw ni Ranz. At naka-abang lang ang mga kamay nya. Pero hindi ko pinasa sa kanya ang bola tulad ng gusto nyang mangyari.

Hindi ko lang siguro mahanap si Lj sa bleachers dahil sa dami ng nanunuod. Naka nandito na talaga sya. Kaya kailangan kong galingan.

Umatras ako ng kaunti sa taong nagbabantay sakin na agad ding lumapit sakin. At bago pa sya makalapit sakin talaga ay tumalon na'ko at binitawan ang bola para e-shoot.

Hanggang sa makalapag na ang mga paa ko sa sahig ay nakatingin lang ako sa ring. At -- shoot.. Tres para sa unang puntos namin.

 

"Yes!!" Halos pasigaw ko nang sabi.

"Nice one!!" Sabi ni Kevi. Nginitian ko lang.

"Bakaw." Nakangiti ding sabi ni Ranz.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon