Chapter 35

46 4 0
                                    

Chapter 35

 

Moira's P.O.V

 

Agad akong pumunta sa gym. Para makasiguro.

 

At pagpasok ko sa gym ay may mga babae na parang may pinagkakaguluhan. Kakaunti na lang din naman sila. Dahil wala na naman din masyasong estudyante dito sa school kapag ganitong oras. Lalo na kung madilim na.

 

Nagtitilian sila at nag-pipicturan. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Nandito nga si JM. Pero anong ginagawa nya dito.

 

Biglang namatay ang ilaw sa gym. At sa buong campus. Marami ang nagtilian. Nag-black out sa buong campus. 

 

At mga ilang sandali pa ay bumukas din ang ilaw.

 

Umagaw sa atensyon ko si Rupert na may yakap-yakap. Isang babae na naka-skirt, naka-polo,  naka-pony ang maiksing buhok at isang familiar na blue na bag. Si Loira.

 

At napansin ko din si Kevi na kasama si Philip.

 

Ang mga tingin ni Philip kina Rupert at Loira. Ay unti-unting nagpapabigat ng pakiramdam ko. Na halos hindi ako makahinga sa sobrang bigat.

 

"Ang kaso ano?? -- na mahal ko na sya."

 

"Na mahal ko na sya."

 

"Mahal ko na sya."

 

At parang naririnig ko ang boses ni Philip habang tinitignan ko sya. Sana ako na lang si Loira. Dahil kung ako si Loira ay hindi ko hahayaan na masaktan sya ng ganyan.

 

May humila sakin. Pero pilit ko paring tinatanaw si Philip hanggang mawala na -- hindi ko na sya nakita.

 

Napansin ko na lang ang sarili na nasa loob ako ng sasakyan. Naka-upo sa passenger seat.

 

"Hanggang ngayon parin ba Moira." Napatingin ako sa naka-upo sa driver seat. Si Jm. "Nagpapaubaya ka pa rin." Sabi nya. Hindi sya nakatingin sakin.

 

"Masama parin ba ang loob mo sakin." Dahil sa nagpaubaya na'ko noon. At sya -- akala ko ako lang ang masasaktan nung panahong yun pero hindi pala. Dahil sya mismo sinabi nya sakin na sobrang sama ng loob nya sakin. Dahil ang babaeng una nyang minahal ay nawala ng dahil sakin.

 

"Oo. At ngayon ay dinadagdagan mo yun." Hindi ganito ang madalas naming pag-uusap. Laging sigawan at pang-aasar. Pero ngayon ay parang walang lakas na gawin ang mga bagay na yun.

 

"Dinadagdagan?" Siguro ay may gusto na din sya kay Loira. Dahil nababalitaan ko din kina Nics at Alex na sila ni Loira ang sobrang magkasundo at laging magkasama. "Huwag mong sabihing may gusto ka na.." Napatingin sya sakin. "Pls. Jm ayoko kitang maging brother-in-Law."

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon