Chapter 18

68 8 0
                                    

Chapter 18

Rupert's P.O.V

Nandito kami ngayon sa school dahil ngayon ang enrollment namin para sa next semester.

"Eto, maganda yung schedule. Ditong section na lang tayo." Sabi ni Ranz habang tinitignan ang mga schedules sa bulletin board.

"Ang piliin natin ay yung makakapagtraining tayo ng maayos." Sabi naman ni Philip. "Ayan oh." Turo nya sa isang papel.

"Ang kaso 7:00 a.m ang first class." Mahinang sabi ni Ranz.

"Okay na yun no at para matuto ka naman na bumangon ng maaga." Ti-nap sya ni Philip sa balikat at muling tumabi samin ni Kevi. "Diba Kevi?"

"Parang kanina ka pa tahimik, dre." Umupo naman si Ranz sa tabi ni Kevi.

"Parang malalim yata ang iniisip mo?" Napatingin sakin si Kevi.

"Si kuya kasi." Bulong nya at sumandal sa kinauupuan.

"Si Kuya Ken?" - Philip.

"Dahil ba to hindi nya pagsali ngayong sem sa varsity?" Tanong ko.

"Hindi. May sinabi kasi sya sakin kagabi.."

---

[Kevi]

"Lj ~~?" Katok ako ng katok pero hindi pa rin nya binubuksan ang pinto. "Lj.."

Binuksan na nya ang pinto. "Ano ba kasi yun?"

"Eto yung book."

"Book?" Inabot ko sa kanya ang libro na laging hinihiram ni Rup sakin. Kinuha nya ang book.

"Inistorbo mo'ko para lang dito?"

"Ano? Inistorbo? Na-istorbo pala kita?" Yung mga tingin nya ay ibang-iba keysa dati. "Ay ewan." At tinalikuran ko na sya.

*boog*

Talagang dinabog nya pa ang pinto.

"Grabe." Pumasok na'ko sa kwarto.

Nakatingin sakin si Kuya. "Ano nanaman ba yun?" Sabi nya.

"Ewan ko dun, sinauli ko lang naman yung book."

"Nag-sauli ka ng libro ng ganitong oras?" Ano naman ang mali kung magsauli ako ng libro ng ganitong oras. 9:06 p.m. "Ikaw naman din kasi ee, pang-asar."

"Oo na. Oo na. Pang-asar na kung pang-asar pero hindi nya naman dapat akong sigawan."

"Ikaw pa talaga nagsabi nyan ah? Grabe ka naman din kasi sa kanya. At hindi mo lang matanggap na lumalaban na sya." Sabi ni kuya habang busy sa paglalaro sa computer.

"Ewan." Umupo ako sa kama.

"Habang tumatagal ay nagiging katulad na sya ni Tito."

"Ni Tito?" Tama ganyan na ganyan si Tito. Yung mga tingin nya kanina ay ganun na ganun din tumingin si Tito.

"Marami na ang nagbago kay Lj, itong mga nakaraang araw ay parang hindi na sya si Lj."

"Na ano? Ibang tao yun?"

"Baliw. Ang ibig kong sabihin ay talagang nakakapag-pabago pala ang pagiging broken hearted." Pi-nause nya ang nilalaro. At tumingin sakin. "Ang dating pasensyosa at tahimik, ngayon ay nabago na. Talagang malaki ang pinagbago nya."

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon