Chapter 36

50 5 0
                                    

Chapter 36

 

Loira's P.O.V

 

"Mahalin mo si Philip." Seryoso nyang sabi. Napa-upo ako sa mula pagkakahiga.

 

"Mahalin ko si Philip?" Nakahiga parin sya. "Ano sa tingin mo ang dahilan ko kung bakit pinapa-busted ko sya sa'yo. -- Moira may iba akong mahal." Umupo din sya mula sa pagkakahiga. Hinawakan ang kamay ko.

 

"Nagawa mo syang magustuhan sa loob ng dalawang taon kaya hindi na mahirap para sa'yo na mahalin mo din sya."

 

"Ano nanaman bang kalokohan to?"

 

"Pls. Si Philip na lang ang mahalin mo keysa si Rupert." Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. At tumayo. Umiwas sya ng tingin sakin.

 

"Sino ka para sabihan ko kung sino ang dapat kong mahalin."Napatingin sya sakin. Nadismaya talaga ako sa kanya. Hindi akalain na ganito pala sya.

 

"Kapatid mo lang naman ako. At hindi basta kapatid lang dahil kakambal mo din ako."

 

"Yun naman pala eh. Edi sana suportahan mo'ko."

 

"Nagmamalasakit lang ako."

 

"Nagmamalasakit? Yun ba ang tawag mo dito?!" Napapansin ko na lumalakas na ang boses namin. Hindi na normal ang pag-uusap namin. Tumayo sya at nilapitan ako.

 

"Hindi ka nya mahal." Sabi nya habang titig na titig sakin. Bakit ganito.. Ayoko maniwala sa kanya. Iba ang gusto kong paniwalaan at taliwas yun sa sinabi nya. "Hindi ka mahal ni Rupert." Ulit nya pa. Hanggang sa lumalabo na sya sa paningin ko. Hanggang sa maramdaman ko na lumuluha na pala ako.

 

Hindi dahil sa mga sinabi nya. Kungdi dahil sa kanya pa mismo nanggaling ang mga yun. Na alam nyang ikasasakit talaga ng damdamin ko.

 

"Hindi ka nya mahal. Loira. Kaya si Philip na lang ang mahalin mo. --" hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "Dahil si Philip. Mahal ka nya."

 

"Tama na!!" Tinabig ko ang mga kamay nya.  Nagulat sya sa pagsigaw ko. Kahit ako ay nagulat din sa ginawa ko.

 

Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

 

"Ano nangyari?" Boses ni Papa.

 

"Wala po." Mahinahon kong sagot.

 

"Moira? Ano nanaman ba'to." Iba ang tono ng pananalita ni Papa. Pero hindi ko parin magawang lingunin si Papa dahil ayoko na makita nya akong umiiyak.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon