Chapter 26

63 6 0
                                    

Chapter 26

Lj's P.O.V

November 22, 2005. Tuesday.

Dismissal. Last subject na namin yun.

"Sige. May taping pa'ko." Paalam ni Jm. Pagka-alis ni Jm ay nagkayayaan na din sina Nics at Alex na umuwi.

Hinatid pa'ko ni Nics sa bahay. Tulad ng lagi nyang ginagawa.

"Sige.. Mag-ingat sa pag-drive." Sabi ko sa kanya bago sya umalis. Papasok na ako ng gate ng may mapansin akong sasakyan na pamilyar sakin. Tinignan ko yung sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay.

"Si Papa." Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay. Wala sila sa Living room.

"Kukunin mo si Moira!!? Bakit pati sya kukunin mo?" Boses ni Mommy. Mula sa itaas. Tumingin ako sa may hagdan.

"Iuuwi ko na sya." Boses ni Papa.

"Iuuwi?!"

"Iuuwi ni Papa si Moira?" Mahina kong sabi sa aking sarili.

"Moira." Tumingin ako sa hagdan ulit at nakita si Mommy at Papa na parehong nagulat ng makita ako.

"Umuwi kana!" Sabi ni Papa. Hindi ko alam ang sasabihin. Yung mga paa ko hindi ko magalaw at talagang kinakabahan ako.

Bakit kailangan umuwi ni Moira?

"Robert. Please." Umiiyak na si Mommy. "Nasa'yo na ang isa nating anak.  Kaya please 'wag pati si Moira kukunin mo sakin."

Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Hindi. Kailangan na nyang umuwi." Pagmamatigas ni Papa at lalapitan nya ako. Pero hinawakan sya ni Mommy sa braso.

"Please. Robert."

"Mommy..." Mahina kong sabi. Tinabig ito ni Papa.

"Loira. Umuwi kana." Napatigil ako. Si Papa tinawag ako sa pangalan ko. Alam nya. "Umuwi ka na." Tumingin ako kay Mommy.

"Ano bang sinasabi mo!? Hindi sya si --" tumingin din sakin si Mommy. "Loira." Nilapitan nya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. "Ikaw si Loira."

"Mommy." Hinawakan nya ako sa pisngi. Sa buhok. At tinignan ako mula ulo hanggang paa. "I'm sorry."

"Halika na." Hinawakan ako ni Papa sa braso. Pero hinawakan din sya ni Mommy. "Mylene, tama na!! Iuuwi ko na si Loira."

"Hindi." Tumingin sya kay Papa. "Kung sya nga si Loira. Nasan si Moira?"

"Bakit hindi mo sabihin." Sabi sakin ni Papa. "Kung anong kalokohan ang ginawa nyo."

"Sorry po --"

"Sorry? Loira--"

"Tama na!!" Napatigil kami ni Papa. "Hindi uuwi si Loira."

"Mylene."

"Hangga't nasa bahay nyo si Moira, dito lang din si Loira." Tinanggal ni Mommy ang pagkakahawak sakin ni Papa. "Tulad ng dati nating napag-kasunduan."

Napag-kasunduan?

"Loira, pa'no mo to nagawa?" Sabi ni Papa at umalis. Hindi ko magawa na tignan si Papa. Napaka-laking kasalanan ang ginawa ko. At hindi ko alam kung anong sasabihin kay Papa para mapatawad nya ako.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon