Chapter 1

245 13 3
                                    

Chapter 1

Moira Jane Sariones’ P.O.V

"Ang tagal naman nun." Tumingin sa wrist watch nya si Nics. At palingon-lingon sa labas ng restaurant.

Si Nicole Oliva ang pinaka-matagal kong bestfriend. First year high school palang ako kaibigan ko na sya kahit nung nag-transfer ako ng school. At siguro pamilyar sya sa inyo. Dahil sya lang naman ang anak nina Mila Oliva at David Gomez na mga sikat na artista. Si Nics ay napaka-busisi, halos lahat yata ng kwento mo alam nya. (Mana sa Mama nya na isang host sa talkshow) masiyahin, maganda at mapagkakatiwalaan na kaibigan.

"Sorry." Ki-niss ni Iven sa pisnge si Nics at umupo sa tapat nya.

"Akala ko ba 4 p.m"

"May klase pa kasi."

Si Iven Rupido. boyfriend ni Nics. Nung high school pa kami ay naging sila na talaga pero hindi nag-work kaya nag-break sila nung third year. At ngayong college na kami ay naging sila ulit. Si Iven ay napaka-kulit, pala-asar, maingay, madaldal, at minsan nakakatakot kapag seryoso. Sya siguro yung aayawan nyo maging boyfriend.. Kaya ewan ko dito kay Nics kung nakita sa mokong na'to. Pag-ibig nga naman.

"Sa inyo lang nauso ang may klase tuwing sunday." Naiinis na sabi ni Nics. Ngumti lang si Iven sa kanya.

"Hi." Bati ni Iven sakin. Ngumiti lang din ako.

"Si Jaime?" Tanong ni Alex.

"May klase pa din siguro." Sagot ni Iven.

"Siguro nga." At hinawakan nya muli yung kwintas nya na may weird na pendant. Ice cream. Habang nagbabasa ng book.

Sya si Alexandra Vidallo. Hindi ko sya naging kaklase nung high school at ngayong college lang. Pero kahit na ganun ay akala mo elementary palang ay kaibigan ko na sya. Mabilis kami nagkasundo dahil na din siguro sa mga bagay na pagkakapareho namin. Madalas talo samin si Nics dahil lagi kami pareho ni Alex ng gusto. Kaya nga lang may pagkakaiba din. Mahilig magbasa, makulit, madaldal, moody at martir. Dahil NBSB sya. Bakit? Kasi hinihintay lang naman nya si Mr.Right na nasa America. (Eyam: read nyo po yung I Miss You. Para malaman ang dahilan)

"Bakit?" Pagtataka nya at tinaasan nya ako ng kilay. Nakapalumbaba kasi habang nakatingin sa kanya. Magkatapat lang din kasi kami.

"Seryoso kaba talaga?"

"Yan nanaman ba tayo, Moira? Tigilan mo nga ako."

"Nang-busted ka nanaman kasi."

"Ito si Moira, tigilan mo nga si Alex." Dinuro ako ni Nics gamit ang fries na may ketchup hanggang sa dumikit sa ilong ko. "Kahit ilang lalaki pa ang e-busted nyan ni Alex. Desiyon nya yun no."

Nilagyan ni Alex ng tissue ang ilong ko. "Isusumbong kita kay Miguel ee." Nakangiting sabi ni Alex.

"Isumbong mo. May magagawa ba yun?" Tinaggal ko yung pinatong na tissue ni Alex. Nag-cross arm ako at sumandal.

Si Miguel Sebastian, ang first boyfriend ko at EX na ngayon si Alex na kasi ang girlfriend nya. Sa future pa pala .. Hindi ko alam kung ano nagustuhan ko sa kanya. Napaka-tahimik, walang pakialam minsan sa paligid, anti-social, book worm at hindi marunong kiligin. Ganun din ang magpakilig. Siguro dahil pareho kami ng kulang dati na may Daddy's issues. Sa America na sya nag-aaral ngayon at once or twice a week lang namin sya nakakausap o nakikita thru Email. At hindi ko matanggap na ganun lang ang lovelife ni Alex. Boring.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon