Chapter 9

94 10 0
                                    

Chapter 9

Lj's P.O.V

Simula nun ay si Rupert na ang laging nasa-isip ko. Si Rupert na ang lagi kong nakikita kahit na maraming tao. Bawat galaw at bawat kilos nya pinagmamasdan ko. Ang mga bagay na nangyayari sa kanya ay pilit kong inaalam.

Lagi din akong nasasaktan kapag masaya syang kasama si Ate Sophie. Lagi naman akong masaya kapag kasama ko sya at nakakausap.

Malapit na din ang sports fest kaya naging busy na din kami sa training.

Block -- spike -- serve -- tamaan ng bola at iba't-ibang warm-up at cool down ang ginagawa namin. Anong oras na din kami nakakauwi. Kasabay ko sila pauwi. Sina Leena, Ronnie at Philip ay naunang umuwi.

"Sandali lang, matatapos na kami." Paalam lang ni Ranz samin ni Ate Sophie na nakaupo sa bleachers.

"Sige lang." Sabi ni Ate Sophie. Hinihintay pa kasi namin sina Kevin na hindi pa tapos magtraining.

"Ranz!!." Sigaw ni Rupert at pinasa ang bola. Pinapanood ko si Rupert na naglalaro.

"Lj, nagka-boyfriend ka na ba?"

"Po?" Napatingin ako sa kanya.

"O kasama ka din sa mga club ng No Boyfriend Since Birth?"

"Nagka-boyfriend na po ako -- bakit nyo po tinatanong."

"Wala naman. Kailan?"

"Nung third year po ako." Umiwas ako ng tingin. "Huwag na lang po natin pag-usapan yun."

"Okay. Alam mo si Rupert, mabait yan." Napatingin ulit ako sa kanya. "Masipag mag-aral."

"Alam ko po."

"Magaling pang mag-basketball."

"May gusto ka sa kanya no." Pabiro kong sabi. Napatingin sya sakin. Hinihintay ko ang magiging sagot nya. Ngumiti sya.

"Lj. --"

"Sorry, kung naghintay kayo." Napatingin kami pareho kay Kevin. Tumingin ako kay Rupert na kasunuran ni Kevin.

"Hindi okay lang." Nakangiting sabi ni Ate Sophie. "Hindi naman kami nainip."

Tumingin ako kay Ate Sophie. At nakangiti lang sya.

Habang naglalakad pauwi.

Bakit ko ba tinanong yun. Ays. Nakahalata kaya sya, tumingin ako kay Ate Sophie na katabi ko. Pero ano ba talaga si Rupert kay Ate Sophie. Lumingon sya sakin. Agad akong umiwas. At nakita ko si Nicole. Na nakatayo sa tapat ng store.

Yumuko ako. At nagpanggap  na hindi ko sya nakita.

"Hi. Loira." Nagmadali ako maglakad. Kunwari walang narinig.

"Lj, ikaw yata ang tawag ng --" napatigil ako at tumingin kay Kevin. "Ang ganda."

"Uy. Isumbong kita kay Leena ee." Bulong ni Ranz. Nag-umpisa nanaman si Kevin. Tss.

"Loira." Lumapit sakin si Nicole. "Alam mo bang kanina pa kita hinihintay." Tuming ako kina Kevin, Rupert, Ranz at ate Sophie na mga nakatingin din samin. Nagtataka siguro sila kung sino si Nicole.

"Parang pamilyar ka." Napatingin ako kay Ate Sophie.

"Yan nga ang lagi nilang sinasabi." Nakangiting sabi ni Nicole. "I'm Nicole Oliva, by the way." Nakipagkamay sya kay Ate Sophie.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon