Chapter 11

91 9 0
                                    

Chapter 11

Moira's P.O.V

July 24, 2005.. Sunday.

Nandito kami ngayon sa isang botique. Marami na din kami napauntahan na ibang shop at napamili.

"Wait lang aa, sukatin ko lang to." Iniwan ko sila at pumunta sa fitting room para sukatin yung  pink dress na pinili ni Nics. Pagkatapos ko magpalit ay lumabas ako ng fitting room at binalikan sila. "Guys, ano sa tingin nyo?" Umikot pa ako para makita nila pati yung likod ng dress. Pero wala man lang ako narinig na anumang reaksyon. Tumingin ako sa kanila. "Hello."

"Moira?" Sabi ni Iven.

"Oh? Para kayo nakakita ng multo?" Hindi ko maiwasan na mainis. Dahil wala parin silang reaksyon. "Bahala nga kayo dyan." At bumalik ako sa loob ng fitting room. "Pwede naman nilang sabihin na hindi bagay bakit ganun pa yung reaksyon nila" bulong ko. Bago pa ko magpalit ay tumingin muna ako sa salamin at pinagmasdan ang dress. "Mukha ba akong multo?"

"Akala ko ba bibilhin mo?" Sabi ni Alex ng makita nyang binalik ko ang dress.

"Pa'no ko pa bibilhin. Kung nakita nyo lang ang mga sarili nyo kanina ... ng makita nyo ang dress na suot ko.--" inis kong sabi. "Para kayong mga nakakita ng multo."

"Hindi sa ganun yun Moira. Kasi --"

"Hindi mo ba sya nakita." Tumingin ako kay Iven. "Yung kamukha mo."

"Kamukha ko?"

"Diba may tito ka na twins?" Tanong ni Nics.

"Oo. Bakit mo naman natanong?"

"Jaime, pwede ikaw muna magbayad." - Alex.

"Sige."

"Pera." Hinihingi sakin ni Alex. "Para sa dress."

"Hindi ko --"

"Akin na." Binigyan ko na lang sya. At inabot nya ito kay Jaime. "I'll text you na lang kung saan kami." Tumango lang si Jaime at pumunta sa counter.

"May ipapakita ako sa'yo." Hinatak ako ni Nicole palabas ng boutique.

"Ano ba." Pilit kong inaalis yung kamay nya nasa risk ko. "Susunod naman ako." Binitawan na nya. Bawat dinadaanan naman ay palingon-lingon sya at may hinahanap.

"Gee." Tawag ni Iven kay Nics. (Parang letter G.) Huminto si Nics. "Nasa restaurant." Turo ni Iven sa restaurant na katapat namin.

Hinawakan ako ni Nics sa magkabilang balikat at hinarap sa salamin na kita ang mga kumakain sa loob ng restaurant.

"Tignan mo yung dalawang babae na nasa dulo." Bulong nya. At hinahanap ko yung tinutukoy nya. "Nakita mo?"

"Oh my gosh." Para akong tumitingin sa salamin na kung saan ay nakikita ko ang sarili.

"Kamukha mo sya. Hindi ba?" Tumingin ako kay Alex. "Kaya ganun na lang ang reaksyon namin kanina sa boutique."

"Lalo na nung suot mo din yung dress na suot nya." Sabi naman ni Iven.

"Halika Bee." Tawag naman ni Nics kay Iven. (Parang letter B.) "Samahan mo'ko."

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon