Epilogue

75 5 2
                                    

Epilogue

 

JM's P.O.V

 

March 27, 2008. Thursday….

 

Ng matapos ang graduation ceremony.

Nandito kami ngayon sa restaurant kung saan kami madalas na nagkikita-kita every friday night.

At ngayon ay napaka-importanteng araw kahit na hindi friday. Dahil ngayon lang ang celebration na kumpleto kami.

"Congratulations" pasigaw na sabi ni Philip ang boyfriend ni Moira na papasok palang ng restaurant.

 

"Thank you." Salubong naman ni Moira. Kinuha nito ang mga bulaklak na dala nito. Hindi na bago samin si Philip dahil madalas na naman din namin sya nakakasama.

"Buti nakarating ka." Sabi ni Alex.

"Oo naman... Basta sa para sa girlfriend ko." Sabi nito habang pinipisil ang pisngi ni Moira.

 

"Sweet nyo naman." Sabi ni Miggy. Napatingin si Philip sa kanya.

"Oo nga pala... He's Miggy. Sya yung friend namin from US" pakilala ni Moira.

"Hi." Itinaas ni Miggy ang kamay para makipagkamay kay Philip.

"Miggy?" Sabi ni Phlip at nakipagkamay kay Miggy. Sabay ko silang inakbayan.

"AWKWARD." At sabi ko.

"JM!!!" Sabay na sabi nila Alex at Moira.

"Ikaw talaga Jm." Napatingin kami sa babaeng papasok ng restaurant. Naka-dress ito, naka-pony at naka-sneaker.

"Loira." Nilapitan ni Moira ang kakambal. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na doll shoes.. 'Doll shoes' ang dapat na suot mo." Ngumiti lang si Loira.

 

"Congratulations." At hi-nug si Moira.

"O pa'no ba yan." Sigaw ni Iven. "GROUP HUG!!!" At pinalibutan namin ang magkakambal at niyakap silang dalawa.

 

"Guys. Hindi ako makahinga." Pasigaw na sabi ni Moira at sabay-sabay namin silang binitiwan sa pagkakayakap at nagtawanan. "Grabe naman kayo." Patuloy pa ni Moira sa pagrereklamo.

"Congratulations.. Jm" sabi ni Loira. Kitang-kita sa kanya ang pang-aasar.

 

"Ewan ko sa'yo no." At pinisil ko lang ng kaunti ang pisngi nya. "Si Rupert?" Ang boyfriend nya. Halos matagal na din sila.

"Papunta na... Alam mo naman yun iwas kay Papa." Natatawa nyang sabi.

"Si tito talaga."

Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagkakainan. Si Moira at Alex pinipilit si Miggy na magkwento tungkol sa pagtira nya at pag-aral sa ibang bansa. Pero bigo sila... Hindi naman kasi talaga pala kwento si Miggy -- bihira.

Masaya kaming inaalala ang lahat ng mga kalokohan namin nung high school. Lalo na si Iven.

Masaya ako ngayong araw. Sobrang saya kahit na na-iinggit ako sa kanila dahil nakapagtapos na sila ng kolehiyo. Samantalang ako may mga dapat pang ayusin.

Ays.

Napatingin ako sa labas ng restaurant. At nakita ko sina Harry at Jaime na nag-uusap. Mukhang seryoso yata sila.

"Huy." Napatingin ako kay Nics.

"Ano nanaman yun?"

 

"Anong tinitingin mo dyan?"

 

"Wala no." Kinuha ko ang baso ko at uminum.

"Sina Jaime at Harry ba yun?"

 

"Huh?" Napatingin ako kay Nics na nakatingin naman sa labas kung nasan sina Jaime at Harry. "Ang seryoso nila no?"

 

"Mukhang nagkakaaminan na yata." Kinikilig na sabi ni Nics. Tumingin sya sakin. "Pa'no ba yan... Mukhang kung sino po ang loko-loko ay sya pa tong walang lovelife."

 

"Ano?!"

 

"Buti nga sa'yo."

 

"Ewan ko sa'yo no." Pasaway talaga tong si Nics. Masyadong pakilamera.Joke.

Pero masaya parin ako.

Basta masaya ang mga kaibigan ko.

Masaya na din ako.

-------------------------------------------------------------

Sabi nga ni JM.

Hindi pa dito natatapos ang lahat. Dahil ito palang pinaka-simula ng lahat samin.

Kaya.

Sana ay basahin nyo din ang --

143: "I Want You"

BOOK 3 ng 143. =)

Thanks.

-------------------------------------------------------------

April-June 2014

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon