Chapter 27

57 6 0
                                    

Chapter 27

Moira's P.O.V

Para kaming bibitayin at nasa hearing dahil nakatayo kami sa harapan nila Mommy at Papa. At sina Kevi at Kuya Ken naman ay nakatayo din sa gilid namin.

"Magpaliwanag na kayo." Sabi ni Papa na naka-upo sa tabi ni Mommy.

"Una daw sila --" tumingin si Papa kay Mommy.

"Mylene."

Umiwas ng tingin si Mommy. "Okay." Tumingin ulit samin si Papa.

"Ipaliwanag nyo na ang kalokohan nyo." Nagkatinginan kami ni Loira. At umiling-iling lang sya. Tumingin ako kay Papa.

"Hindi naman po kalokohan yun." Sabi ko. Hinintay ko na magsalita si Papa pero wala syang sinabi at nakatingin parin samin. Ganito ba sya?. Sinabi ko lahat ng pangyayari. Kung pa'no kami nagkita ni Loira at kung pa'no napunta dito sa pagpapalit ng identity.

"Ikaw naman Loira?"

"Nasabi na nya po. Papa."

"Pero hindi parin tama ang ginawa nyo." Sabi ni Mommy.

"Tama si Mylene. Kaya bukas, umuwi kana Moira."

"Pa?" - Moira.

"Bukas?" - Mommy.

Tumayo si Papa. "Gabi na. Dito na muna kayo matulog." Sabi nya. "Ken!"

"Tito?"

"Ilabas mo ang unan ko at kumot. Dito ako matutulog."

"Opo."

"Palitan mo na din ng bagong sapin at punda ah."

"Opo." Sinunod naman ni kuya si Papa.

"Pa? Ayoko pang umuwi." Sabi ko. "Pinaghiwalay nyo na kami nun tapos pati naman ba ngayon?"

"Moira." - Mommy.

"Hindi Mommy. Dati si Papa lang ay okay na. Kumpleto na ang buhay ko. Pero ng malaman ko na may kapatid ako. Mom. Ayoko na po. Ilang taon na po bago pa namin nalaman.. At kung hindi pa kami nagkita sa mall ay hindi pa--"

"Tama na." - Papa.

"Sinabi na namin ang dahilan namin kung bakit namin nagawa ang 'Kalokohan' nato. Sana naman po. Kayo naman ang masabi samin kung bakit nyo po kami kailangan pag-hiwalayin. Bakit kailangan kami madamay sa paghihiwalay nyo."

"Moira!" - Mommy.

"Tama po sya." Sabi ni Loira. "Ano po ba ang dahilan kung bakit kailangan nyo maglihim samin. Bakit nyo po kami kailangan paghiwalayin. At ano po yung napag-kasunduan nyo?"

"Napag-kasunduan?" Anong napagka-sunduan?"

"Loira.. Tigilan nyo na'to." - Papa.

" Ano yun Mommy? Anong napag-kasunduan?"

"Ako ang may kasalanan." Napatingin ako kay Mommy na umiiyak.

"Mylene."

"Hindi Roberto. Malaki na sila -- at napaka-laki nadin ng kasalanan na nagawa natin sa mga bata. Kaya maiintindihan na siguro nila."

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon