Chapter 14

85 8 0
                                    

Chapter 14

Lj's P.O.V

"Never envy a person unless you are willing to swap identities with them."

Hindi parin sya mawala sa isip ko at pilit na inaalala kung saan ko sya nabasa o unang nadinig.

Kinuha ko yung papel sa lamesa at umupo sa kama. Isa-isa ko ulit binasa ang mga sign. Iba ang iniisip ko na gagawa nito at hindi si Rupert. Pero kay Philip ako umamin. Kahit ngayon ay natatawa ako. At the same time ay naiinis dahil sa ginawa ko.

Lalong-lalo na nung gawin ko tong mga sign. Isang kalokohan.

Naalala ko bigla yung book. Parang doon ko sya nakita. Tama. Doon ko nabasa yung quotation na galing kay Philip.

Hinanap ko ito sa lamesa ko. Hinanap ng hinanap pero wala. Si Kevin?!. Lumabas ako ng kwarto at nakita si Kevin na nanunuod ng T.V.

"Yung Economics?" Napatingin sya sakin.

"Ay nakalimutan ko pala ipaalam sa'yo. Hiniram ni Rupert. Bakit kailangan mo na ba?" Umiling-iling ako at papasok na sa room. Bago pa pumasok.

"Kevin?"

"Ano nanaman?" Irita nyang sabi. Tumingin ako sa kanya.

"Si Rupert lang ba ang nanghihiram nun?"

"Oo."

"Sya lang ba talaga?"

"Oo nga. Ano naman ba?"

"Wala." At pumasok na'ko sa kwarto. Kung si Rupert lang ang nanghihiram nun. Pa'no nalaman ni Philip? -- baka hindi ko nakita dun yung quotation. At sa ibang book o may nagsabi sakin nun.

...

Sa school.

Katatapos lang din ng klase namin at palabas na ng room.

"Nasa cafeteria daw sila." Sabi ni Leena habang nakatingin sa cellphone nya.

"Okay." At umalis. Ng mapansin nila na nakatayo lang ako at hindi sila sinundan. Nilapitan nila ako. "Lj?"

"May pupuntahan pa kasi ako. Sige mauna na kayo." Sabi ko. Tinignan nila ako pareho. "Sige. Susunod ako." Pilit akong ngumiti.

"Okay." Tanging sabi ni Ronnie. At umalis na sila.

Nagsinungaling ako. Wala naman talaga akong pupuntahan at wala din akong balak na sumunod sa kanila. May iniiwasan lang talaga ako. Dati-dati ay naiinis ako kay Leena dahil ang OA nya kung maka-iwas kay Kevin. Yung pala mas OA pa ako.

Pumunta na lang ako sa library at doon tumambay. Naglagay ng headset sa tainga. At kumuha ng libro sa arts .. Isa-isang tinitignan ang mga pictures.

Pero habang tinitignan ang mga pictures ay sya parin ang naiisip ko. Pakiramdam ko pa nga ay kasama ko sya ngayon. Nasa harapan ko at nagdra-drawing.

*hinga ng malalim*

Tumingin ako sa katapat ko.

"Ay Halimaw!!" Sabi ko. Nakita kong nakatingin sakin lahat ng students na nasa library. Nag-piece sign ako sa kanila.

Tumingin ulit ako sa katapat ko at nakita ko si Rupert na may sinusulat sa papel. Sinisilip ko ito. Pero agad nyang itinaas.

"Hi!! Gusto mo?" Malaking-malaking sulat na 'Hi!! Gusto mo?' Napatingin ako sa inilapit nya sakin na chocolate. At muli syang nag-sulat. "Kanina pa kita hinahanap." Ng itaas nya ulit ang notebook. At inilipat. "Isasauli ko'to." Inalapit nya sakin ang book sa Economics. At muli nya inilipat ang page. "THANKS."

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon