Chapter 40

43 5 0
                                    

Chapter 40

 

Rupert's P.O.V

 

Sinalubong kami nila Sophie, Leena at Ronnie.

"Nice kuya." Sabi ni Ronnie. Pero ang tingin ni Philip ay na kay Ranz. Tumingin din ako kay Ranz. Nakatingin naman sya kay Ronnie.

Tss. Kahit naman na mistulang great wall of china si Philip sa relasyon ni Ranz at Ronnie ay alam kong ang gusto na ay laging maayos ang dalawa.

"Si Ranz din ah." Sabi ni Philip. "Kung hindi dahil kay Ranzel siguro malalamangan kami ng kalaban."

"Ganun ba." Sabi ni Ronnie.

"Ano bang nangyayari?" Sabi naman ni Kevi na tumabi kay Leena.

"Basta." Sabi na lang ni Leena. Tumingin si Ronnie kay Ranz.

"Nice game." Nakangiting sabi ni Ronnie. Tumingin ako kay Ranz na halatang nagulat. Napangiti naman din sya dahil kay Philip na tinutulak sya pero mahina lang.

"Bilisan mo na. Habang good mood ako." Pabulong sabi ni Philip.

"Sabi mo yan ah." Nakangiting sabi ni Ranz na agad na hinila si Ronnie palapit sa kanya at niyakap. "Namiss kita." Bulong nito sa tenga ni Ronnie.

"Ano kaba nakakahiya." Sabi ni Ronnie.

"Inggit lang yang mga yan." Tanging sabi ni Ranz. At niyakap nya ng mahigpit si Ronnie.

Oo nga.. Tama si Ranz nakakainggit silang dalawa.

"Tama na yan." Sabi ni Philip. At isa-isa tinanggal ang mga kamay ni Ranz. Kaya napabitiw na ito mula sa pagkakayakap. "Aba. Sobra naman yun." Nagtawanan kami dahil sa naging reaksyon ni Philip.

"Sus inggit ka lang." Pang-aasar ni Kevi.

"Ano naman? Ang alam ko hindi masama ang ma-inggit ah."

 

"Tama sya. Pero hindi dapat sobra." Sabi ni Sophie.

"Inggit ka din?" Tanong ni Leena. Ngumiti lang si Sophie.

"Ako." Sabi ni Kevi at niyakap si Leena.

 

"Ano ba." Agad naman syang tinulak palayo ni Leena. "Kapag kayo na ang nag-champion." Nakangiting sabi ni Leena.

"Sabi mo yan ah." Sabi ni Kevi at tumango-tango lang si Leena.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon