Chapter 25

50 6 0
                                    

Chapter 25

 

Lj's P.O.V

Nagiging maayos naman ang pamamalagi ko dito kina Moira. Ang mga kaibigan nya at si Mommy ay talagang napaka-gaan na ng pakiramdam ko kapag kasama sila.

Na para bang ang tagal ko na silang kilala.

Si Jm naman ay nakakasundo ko na rin. Hindi naman pala sya mahirap kausapin. Akala ko kasi -- artista sya kaya dapat ayusin ang pakikitungo sa kanya pero hindi pala. Dahil kahit sya ay hindi maayos kausap. Ibang-iba sa iniisip ko sa t'wing pinapanuod sya sa T.V.

Sya ang lagi kong kausap at si Alex. Kasi si Nicz kapag nandyan na ang boyfriend nya na si Iven ay hindi mo na maka-usap ng maayos.

Ang sabi nga ni Alex.

"Masanay ka na."

At tuwing friday ay nasa coffee shop kami kung saan madalas na tumatambay ang mga barkada ni Moira. Sina Jm, Alex at Nicz parin talaga ang nakaka-alam kung sino ako.

Mas okay na daw yun sabi ni Moira.

...

November 9, 2005. Wednesday.

 Tatlong araw na ako pumapasok para second semester dito sa MRU o Marcelino University. Maayos naman dito sa MRU katulad lang din ng dati kong sa school.

Papasok na kami sa building ng may napansin ako.

"Sino yun?" Napatingin ako kay Jm.

"Si Papa. Parang nakita ko?"

 

"Si Sir.Bargaza?" Tumango ako. At sinundan na namin si Alex.

 

"Kilala mo si Papa?" Tanong ko habang naglalakad.

"Oo. Na-interview ko sya last semester para sa final requirement ko. At dahil doon ay nalaman namin kung saan kayo nakatira." Naikwento na nga pala sakin yun ni Moira. "Alam mo. Nakakapagtataka din na kung bakit sa dinami-dami ng magagandang universities dito sa Manila ay dito parin sya nag-aral."

 

"Anong ibig mo sabihin?"

 

"Bakit hindi sya sa Sta. Claro University. Mas dihamak na maganda ang school na yun keysa dito sa MRU." Tinignan ko sya na may kasamang pagtataka dahil hindi ko talaga maintindihan ang gusto nyang ipabatid sakin. "Ang point ko lang ay -- hindi kaya sa umpisa pa lang alam na sir.Bargaza na dito nag-aaral si Moira kaya sya nandito din sya?"

 

"Na kaya sya dito nag-aral ay para makita si Moira?" Tumango-tango si Jm.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon