Chapter 6

111 10 0
                                    

Chapter 6

Lj's P.O.V

"Good Morning." Umupo si Leena sa gitna namin ni Ronnie . Nagkatinginan kami ni Ronnie.

"Parang masaya ka yata ngayon?" - Ronnie

"Ano naman." Nakangiti parin syang sabi.

"Huwag mo sabihin na?" Ganyan din ang mga ngiti ni Kevin kaninang umaga. Para bang isang angel. Para bang wala syang exam mamaya at hindi sya nakapag-review.

"Bakit?" Nakangiting sabi ni Leena. Ganyan na ganyan.

Hindi nga ako nagkamali. Nagkita daw sila ni Kevin kahapon. Sinundan lang daw sya nito hanggang sa bahay nila. At hindi umalis hangga't hindi daw sya kinakausap. Kaya kinausap daw nya. Lahat daw ng sinabi ni Kevin ay hindi nya inaasahan. Isa na dito ang pag-amin nito na sya parin ang mahal.

Bilib na talaga ako kay Kevin.

...

Naglalakad ako papunta sa library at para gumawa ng assignment. Si Leena kasi ay kasama ngayon ni Kevin at susunod na lang daw. Ganun naman din si Ronnie na kasama si Ranz. Kaya eto mag-isa lang ako.

"Lj. ~~"

"Ate Sophie." Tumingin ako sa kasama nya. Sa lagi nyang kasama na si Rupert.

"Nakita mo ba si Kevi."

"Kasama ni Leena."

"Totoo pala talaga." Sabi ni Philip na papalapit samin. "Na pumayag si Leena na ligawan nya ulit." Tumango-tango ako.

"Bakit ikaw lang mag-isa? Si Ronnie?" Tanong ni Rupert. Tumingin ako kay Philip.

"Kasama ni Ranz?" Tumango ako bilang sagot.

"Kung ganun Lj. Loner ka?"

"Ate Sophie naman. Pero totoo yung sinabi mo at okay lang naman." Nakangiti kong sabi.

"Kung gusto mo sasamahan kita?" Napatingin ako kay Rupert. "Namin."

"Tama. Wala nanaman din kaming klase at mamaya pa ang training natin diba." Sabi ni ate Sophie. " Saan ka ba pupunta?"

"Sa library. Tatapusin ko kasi yung assignment namin."

"Okay." Inakbayan ako ni Ate Sophie at nagpatuloy papunta sa library.

"Library nanaman." Bulong ni Philip pero sumunod naman din sya samin. "Naka-isa si Ranz aa."

Habang naglalakad.

"Kung gusto mo sasamahan kita?"

Hindi sya maalis sa isip ko. At paulit-ulit na naiisip. Na para bang naririnig ko si Rupert na sinasabi yun. Hanggang sa library. Na sobrang tahimik at mga yabag lang ng mga students na palakad-lakad ang naririnig ko.

"Kung gusto mo sasamahan kita?"

Mga nababasa ko sa libro. At naririnig parin. Ays. Tinignan ko si Rupert na nakaupo sa tabi ni Philip. At katapat ni ate Sophie na katabi ko.

Pinagmamasdan sya habang nagsusulat. Tinignan ko kung ano ang sinusulat nya. Nagdra-drawing sya. Tinignan ko sya muli at nagkatinginan kami. Nginitian nya ako. Umiwas ako ng tingin at nagbasa ulit. Pilit na inuunawa yung nasa libro. Kahit anong gawin ko walang pumapasok sa isip ko.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon