Chapter 43

66 5 0
                                    

Chapter 43

 

Moira's P.O.V

Matapos ang araw na yun. Ay sinimulan ko ang panliligaw kay Philip. Sira ulo talaga yung kumag at baliw na yun. Nagpaligaw ba daw sakin. Ganun ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya at kailangan kong gawin ang isang bagay na hindi naman talaga ginagawa ng isang babae.

Pero ilang araw lang naman yun. Dahil nung mga sumunod na araw ay sinunod ko na ang payo ng mga kaibigan ko na sina Alex at Nics. Ganun din ang kapatid ni Philip na si Ronnie.

Tigilan ko na daw... Hindi naman talagang tigil... Yung magiging busy lang daw ako ng mga ilang araw-- magpapa-miss.

At effective naman sya dahil wala pang isang araw ay sinagot na nya ako. Kaya mag-boyfriend na kami.

...

Sa bahay nila Papa. Nandito kasi ako buong christmas vacation at pinayagan naman ako ni Mommy.

"Ang cute-cute talaga ng girlfriend ko." Sabi nya habang pinipisil ang mga pisngi ko.

"Masakit~~" pilit kong tinatanggal ang mga kamay nya.

"Ang cute-cute."

 

"Bakit ka ba kasi nandito."

 

"Miss na kasi kita.."

 

"Kuya grabe ka.." Napatigil sya at sabay kaming napatingin kay Ronnie. Na nakatayo sa harapan namin. Tinanggal nya ang kamay ni Philip sa pisngi ko at sinisiksik ang sarili para makaupo sa gitna namin ni Philip.

 

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Philip.

 

"Gumaganti lang ang baby ko." Sabi ni Ranz at siniksik din ang sarili para makatabi si Ronnie.

"Ganun ah."

 

"Bleeeeehhh." Sabay naman syang binletan ni Ranz at Ronnie.

"Kayong dalawa!!."

 

"Moira oh." Yakap sakin ni Ronnie. At hindi ko napigilan na matawa.

"Nagpapakampi kapa." Tumayo si Philip pero tinignan ko sya at umiling-iling. Tumigil naman sya at bumalik sa pagkakaupo. "Pasalamat ka." Bulong nya.

 

"Natalo ko din." Sabi ni Ronnie ng bumitaw sa pagkakayakap sakin.

"Ano?" Pagtataka ko.

"Ikaw lang pala ang paraan para matalo ang halimaw." Nakangiting sabi ni Ronnie.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon