Chapter 10

84 10 0
                                    

Chapter 10

Lj's P.O.V

Sports fest. Day 1

Nagkaroon na din kami ng mga advance games bago pa mag-sports fest. At kahit papano ay wala pa kaming talo. At sana ngayong sports fest ay wala parin. Sana kami ang makakuha ng gold.

"Anong oras daw ang laro mo?" Iritable na sabi ni Leena. "Kanina pa tayo dito aa."

"Mamaya. Kung sino ang manalo sa kanila ay makakalaban namin." Sagot ni Ronnie. Kanina pa kasi kami dito at hinihintay namin ang susunod na laban ni Ronnie sa table tennis. Sa doubles kasi sya kasali.

"Oh, sige doon muna kami sa likod." Paalam ni Leena at umalis.

"Good luck, Ronnie." Ti-nap ko sya sa balikat.

"Sa'yo din." At sinundan ko na si Leena.

"Si Ron?" Salubong sakin ni Ranz.

"Nanonood." Turo ko sa mga naglalaro ng table tennis. "Hinihintay kasi nila yung susunod na makakalaban nila." At umalis na sya. "Sweet talaga nun." Pumunta na'ko kina Leena. Nakaupo sila. Saan naman nila nakuha ang mga upuan? "Saan nyo to nakuha?"

"Ewan ko dito kay Kevin." Turo ni Leena kay Kevin. Pero kay Rupert ako napatingin na nakaupo sa likuran nila. Katabi si Philip. "Dito ka." Umupo ako sa tabi ni Leena.

Ays. Simula din kasi ng magkausap kami ni Leena ay nilalayuan ko na si Rupert at hindi na rin masyadong pinapansin. Keysa naman na kung ano-ano pa kasi ang iisipin ko .. Mas okay na siguro ang iwasan ko na lang sya. Ganito na naman din kami dati ee. Hindi nagpapansinan masyado -- Kaya akala ko madali pero hindi. Dahil sya parin ang naiisip ko kapag nandyan at lalo na kapag wala sya.

"Anong oras ang laro nyo mamaya?" Tanong ni Philip.

"Mga 4 p.m pa." Si ate Sophie ang sumagot. "Kaya mapapanuod pa namin ang laro nyo."

"Mabuti naman pala kung ganun. Kasi kung sakali ay baka hindi ko mapanuod ang laro ni Kevin mamaya." - Leena.

"Ah ganun. Mas pipiliin mo pa ang panourin si Lj." - Kevin.

"Syempre." Inalagay ni Leena ang kamay sa balikat ko at sinandal ang ulo nya. "Bestfriend ko to."

"Eh ako --" pero bigla syang napatigil. Bumitaw si Leena sa pagkakayakap sakin at umayos ng upo.

"Ano yun?" - Ate Sophie.

"Parang may nililihim yata." Bulong ni Rupert. Nagulat ako kasi si Rupert. Ipinatong ang dalawang kamay sa sandalan ng upuan ko at nagpangalumbaba. Nakina Leena at Kevin ang tingin nya. Ako din. "Kayo na ba?" Sabi nya.

Hindi ako makakilos ng maayos. Bawat galaw nya ay nararamdaman ko. Pati ang paghinga nya. Gusto ko syang tignan pero hindi ko magawa. Gusto ko syang sigawan na tanggalin ang ulo nya pero hindi ko rin magawa.

Ang tangi no lang nagawa ay hayaan ang puso ko ng tumibok ng mabilis. Pakiramdaman ang mga kilos nya. At ang hindi gumalaw. Hindi ako makagalaw. Lalo na kapag iniisip ko na nakapangalumbaba sya sa sandalan ng upuan ko.

"Ano na?" Nilapitan sila ni Ate Sophie. "Kayo na ba? -- kailan pa?"

"Kahapon." Bulong ni Leena.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon