Chapter 28

51 6 0
                                    

Chapter 28

 

Moira's P.O.V

 

"Tanggihan mo sya." Nagulat ako sa sinabi nya. Ibang-iba talaga sa inaasahan ko. Pero ..

"B-Bakit?" Umiwas sya ng tingin sakin. "Bakit Loira? Diba gustong-gusto mo si Philip? Nagawa mo pa ngang magsabi sa kanya na gusto mo sya."

 

"Oo, gusto ko sya pero --"

 

"Ano?" Tumingin sya sakin.

"Iba ang mahal ko." Sinabi nya sakin na si Rupert ang mahal nya. Sinabi nya sakin ang mga naging dahilan -- ang tungkol sa sign. Sinabi nya sakin kung ga'no daw sya kat'nga dahil nag-assume sya. Lahat ay kinuwento nya sakin.

"Ano ka ba Loira. Hindi kat'ngahan ang ginawa mo. Natural yun sa mga babae na pinapakitaan ng motibo."

 

"Na ano? Girl instinct??"

 

"Oo."

 

"Nakaka-badtrip na Girl instinct yan!! Pahamak na girl instinct na yan." Natawa ako sa mga sinabi nya. "Nakakainis." Kitang-kita talaga sa kanya kung ga'no sya kainis. Siguro kung nage-exist ang girl instinct bilang tao.. Baka nabugbog na nya. "Pinagtatawanan mo pa'ko."

"Hindi naman sa ganun. Pero wala talaga tayong magagawa kasi nandyan na yan eh."

 

"Basta Moira. E-busted mo si Philip." Tumango-tango ako. Kahit na nadismaya ako sa naging reaksyon nya ng malaman nya ang lahat ay hindi na'ko magpa-plastic sa sarili ko no.

Masaya ako. Sobrang saya ko. Dahil wala nang gusto si Loira kay Philip. Pero --

"Bakit ka niligawan ni Philip?" Ako? Hindi ako ang nililigawan ni Philip .. Ikaw. Bigla nanaman ako nadismaya at nalungkot. "Hindi kaya gusto ka nya?"

"Anong ako? Baka nakalimutan mo na may ginawa tayong 'kalokohan' nagpalit tayo ng identity."

 

"Oo nga no."

 

"Kaya -- hindi ako ang niligawan nya. Hindi ako ang gusto nya." Mahina kong sabi. Ang sakit. Ang bigat sa pakiramdam. "Ikaw."

Panandaliang nanahimik saming dalawa. Nginitian lang nya ako ng sabihin ko yun.

"Matulog na tayo." Sabi nya at humiga ng patagilid. Maliit lang ang kama pero kasya naman kami. Humiga din ako sa tabi nya. Tumagilid ako. Pinakikiramdaman kung tulog na sya.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon