Chapter 4

104 13 0
                                    

Chapter 4

Lj’s P.O.V

Sinabi ko kina Leena at Ronnie yung nangyari kagabi. Kung gaano ako hindi nakatulog dahil sa sobrang ingay nila.

Nagpaalam din ako na hindi na muna ako makakasabay sa pag-uwi dahil magtri-training na din ako.

Pagdating sa quarters namin, kunting sermon lang naman ang inabot ko sa coach namin. Tapos nag-umpisa na kami.

Lumipas ang mga araw at ganun lagi. Tuwing sa pagkatapos ng klase namin ay sa quarters ako pumupunta at sa gym nagtri-training.

"Lj." Sigaw ni Ate Sophie. Napatingin ako sa bola na papalapit sakin. Bago pa ako maka-iwas ay tinamaan na'ko.

*ppokk*

"Ahh." Sigaw ko at hinawakan ang ulo ko. Masakit yun aa.

"Okay ka lang?" Hawak ni ate Sophie yung bola. Hinanap ko kung saan galing yung bola. Sa may basketball court.

"Akin na yan Sophie." Papalapit si Philip samin.

"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Rupert na kasama ni Philip. Tumango lang ako bilang sagot.

"Si Kevin kasi -- ang lakas magpasa." Sabi ni Philip. Tumingin ako kay Kevin na nasa court. Ngumiti lang sya sakin. Shh. Akala mo tutulungan pa kita.

"Ano bang ginagawa nyo?" Inabot ni Ate Sophie yung bola sa kanila.

"Naglalaro." sagot ni Philip.

"Walang training?"

"Wala pa yung coach nila, si Kuya Ken naman ay may klase pa."

"Sige, may training pa kasi kami." Paalam ni ate Sophie. "Halika na." Yaya nya sakin.

"Sige." At pumunta na kami sa volleyball court na katabi lang din ng basketball court.

Habang nagtri-training ay hindi ko maiwasan na tumungin kay Philip na nakikipaglaro sa basketball team. Magaling naman sya maglaro kaya bakit ayaw nyang sumali.

...

Lagi kong syang nakikita na kasama nila Kevin kapag hindi pa nag-uumpisa ang training nila. Nakaupo sa may bleachers.

"Lj." Lumingon ako kay Ate Sophie.

"Bakit?"

"Gusto mong sumama samin."

"A-ah?"

"Mamaya kasi ay pupunta kami sa bahay nila Rupert, birthday nya kasi."

"Birthday?" Tumingin ako kay Rupert na nakaupo sa bleachers. "Pasensya na aa.. Magkikita kasi kami ni Leena."

"Edi isama mo sya." Umiling-iling ako. "Pa'no na yan hindi ka namin masasabayan sa pag-uwi."

"Okay lang, kaya ko nanaman ang umuwi." Sila kasi ang lagi kong kasabay pauwi.

"Sige." At pumunta na si ate Sophie sa kanila. Bilib din ako kay Ate Sophie dahil kaya nyang pakisamahan at tiisin ang mga ingay nila. Pero kung sa bagay ako nga ee, nagkagusto pa sa isa sa kanila.

Kausap ni Ate Sophie si Rupert. At habang nag-uusap ay nakatingin sakin si Rupert na agad namang umiwas ng makita nyang nakatingin ako.

Nagsimula na yung training namin. At ilang oras din yun.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon