Chapter 8

104 10 0
                                    

Chapter 8

Lj's P.O.V

Midterm examination. Nandito kami ngayon sa library at nagrereview. Kasama sina Leena at Ronnie.

"Pahiram ako ng ballpen." Mahinang sabi sakin ni Ronnie. Inabot ko sa kanya yung ballpen.

"Nasan sila?"

"Sino?"

"Sina Ranz." Tumingin sakin silang dalawa. "Ano nanaman yun?" Mahina ko paring sabi. "Nagtatanong lang naman." At muli akong tumingin sa notes ko.

"May exam sila ngayon." Bulong sakin ni Ronnie at binalik sakin ang ballpen.

Hindi ko maiwasan isipin sya. Kung anong ginagawa nya ngayon. Kung masaya ba silang nagkwekwentuhan ni Ate Sophie. Kung kamusta ba ang exam nila ngayon.

Ays. Erase ... Erase ...

Muli akong tumingin sa notes ko. At pilit na iniintindi ang mga nakasulat dun.

...

Papunta ako sa quarters ngayon para kunin ang mga gamit namin nina Ronnie at Leena na itinago ko muna sa may locker ko.

Mamaya na kasi ang practical test namin sa P.E.

Hiniram ko na din ang susi sa coach namin. At kinuha ko na ang paper bag kung saan nakalagay yung mga pang-P.E namin. Inilapag ko na muna ito at isinara ulit ang pinto. Kinuha ko na ang paper bag ang kaso ay may kumuha din nito sakin. Napatingin ako sa kanya.

"Hi." Nakangiting sabi sakin ni Rupert.

"Hi." Umiwas kaagad ako ng tingin. "Yung paper bag?" Nakahawak parin kasi sya sa paper bag at ganun din ako..

"Ako na."

"Hindi. Baka kasi --"

"Okay lang." Tumingin ako sa kanya. At nginitian lang nya ako. "Okay lang." Sabi nya ulit. Tumango lang ako at binitiwan na ang paper bag.

"Galing kadin sa quarters?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.

"A-ah. Oo, may kinuha lang din kasi ako."

"Ikaw lang mag-isa?"

"Oo." Gusto ko syang tignan, pagmasdan at makita ang ngiti nya. Pero hindi ko magawa. Hindi naman ako kinakabahan tulad ng dati. Iba ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag pero parang masaya ako na kasama sya na para bang hindi. Na naiinis ako kasi nakita ko nanaman sya. Hindi ko alam.

"Dito na lang ako." Tumigil na ako bago pa makarating sa basketball court at ganun din sya.

"Okay." Nakangiti nyang sabi.

"Yung paper bag."

"Oo nga pala." Inabot nya sakin. "Good luck sa inyo."

"Thank you." At nagpatuloy na'ko.

"Lj~" napatingin ako sa kanya. Lumapit sya sakin at may kinuha sa bag. Chocolate bar. "Sabi ni Kevin makakatulong daw to." Inabot nya sakin.

Ayoko ko sanang tanggapin pero baka kasi magtaka sya. Kaya kinuha ko nalang.

"Thanks." At iniwanan ko na sya. Hinga ng malalim. Hinga ng malalim. Huminga ng malalim. Tumigil ako sa paglalakad.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon