Chapter 2

149 15 0
                                    

Chapter 2

LJ's P.O.V

Tumingin ako sa relo na nasa side table. 6 a.m na. Maaga ako nagising kahit 8 a.m pa ang pasok ko. Sa totoo lang hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos ee. Dahil sa nangyari kahapon.

Katulad na'ko ako ni Ronnie kung katulad pero -- ANG WEIRD .. Ang weird talaga ng nangyari kahapon.

Paikot-ikot at pagulong-gulong lang ako sa kama ko. Pilit na iniisip ng mabuti kung paano nangyari yun.

*tok tok tok*

"LJ ~~." Sigaw mula sa labas. Si Papa, napatingin ako sa relo ulit. 7:22 a.m. Agad akong napatayo at binuksan yung pinto ng kaunti. Sinilip si Papa. Nakapamewang ito at tulad ng dati mainit nanaman ang ulo.

"Mag-aayos na'po."

"Bilisan mo na." Pilit akong ngumiti. Sinara ko na ang pinto.

...

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Sabi ni Kevin.

Si Kevin Gilbero. Pinsan ko. Ka-edad ko lang din sya pero nasa third year college na sya. Dahil na accelarate sya ng isang taon nung nasa elementary pa kami. Sa STU din sya nag-aaral at kumukuha ng kursong BS Business Management. Ang Mama nila ay pinsan ng Papa ko, nagtratrabaho si Tita sa ibang bansa bilang nurse ganun din si Tito na engineering naman. Dalawa silang magkapatid.

"Good Morning."

"Good Morning, Kuya Kenneth." Bati ko din na umupo sa tabi ni Kevin.

Si Kuya Kenneth, Fourth year high school. Sa STU din nag-aaral. At BS Accountancy ang kinukuhang kurso. Dalawang taon lang tanda nya samin.

"Ngayon diba ang Prelim nyo?" Sabi ni Papa na naka-upo sa tabi ko.

"Opo Tito." sagot ni Kuya Kenneth.

"Sige, pakisabi sa mga kaklase mo na e-move ko yung exam ng 3p.m. Wala naman siguro kayo klase nun?"

"Opo."

Professor kasi si Papa sa school namin. Sa kabutihang palad ay hindi ko pa naman sya nagiging prof. Balita ko kasi kay Kuya Kenneth at Kevin -- Terror.

Napapansin nyo naman?

Ako lang pa ang prinsesa sa loob ng bahay na ito. Kaya hindi nyo din ako masisisi kung bakit -- Shirt-Jeans-Sneakers. Okay na'ko.

"Good Morning po." Napatingin ako kay Leena. Nag-wave sya sakin.

"Pasok ka, Hija."

"Sige po. Sir Barzaga."

"Pa'no pa papasok yan. Ee nasa loob na sya." Sabi ni Kevin. Tumayo ito. "Pasok na po ako Tito." Tumango lang si Papa at umalis na si Kevin.

"Sama talaga." Bulong ni Leena habang tinitignan si Kevin palabas.

Mag-Ex po kasi sila. Parang last month lang sila mag-break dahil mga bitter pa. Pero ang totoo ay One year na po silang hiwalay.

Tumayo nadin ako. "Alis na din po ako." Lumapit ako kay Papa at nag-kiss sa pisngi.

"Mag-iingat ka." Sabi ni Papa.

"Sige kuya Ken." Tumango lang si Kuya.

"Sige po. Sir.. Kuya Kenneth." Paalam din ni Leena at lumabas na kami. "Parang sira talaga yang pinsan mo."

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon