Chapter 19

65 7 0
                                    

Chapter 19

Moira's P.O.V

Habang kumakain ng almusal.

"Anak?"

"Dad?"

"DAD??" Sabay na sabi nila Kevi at kuya Ken. Napatingin ako kay Papa. At kahit sya ay nagulat.

"Dad - dalhin nyo po ba yung baon? I mean kung gusto nyo na magdala ng sandwich gagawan ko po kayo Papa." Pilit akong ngumiti.

"Okay, matagal na din kasi ako hindi nagbabaon ng sandwich." Sabi ni Papa.

"Okay po. Simula po ngayon ay lagi ko na po kayong gagawan ng sandwich."

"Sige. Ikaw ang bahala Loira."

Ilang linggo ko na din nakakasama si Papa, pero hanggang ngayon ay para bang may kulang padin. Hindi ko alam kung ano yun. Pero kahit na ganun ay masaya ako dahil nakakasama ko si Papa araw-araw. Dati isang pangarap lang ito, panaginip na hindi ko inaasahan na magiging totoo.

Kaya ang importante ngayon ay si Papa. Gagawin ko ang lahat para kay Papa.

"Next week na daw ang pasukan nyo?" Tanong ni Papa.

"Opo, Tito." Sagot ni kuya Ken.

"Simulan mo na din mag-isip ng title mo para sa thesis."

"Thesis?" Tanong ko.

"Gra-graduate na kasi ang kuya mo." Sabi ni Papa.

"Ibig sabihin gagawa din kami nun."

"Kung hindi ako nagkakamali ay may subject kang ganun ngayon." Sabi naman ni Kevi.

"Huh? Thesis?" Gagawa na kami ng thesis. Oh my.

...

First day .. For this semester.

"Sige po Papa." Nag-kiss ako sa pisngi nya. "Sige po." Paalam ko din kina kuya Ken at Kevi.

"Sandali sasabay ako." Sabi ni Kevi.

"Ayaw kita kasabay." Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas sa bahay.

"Sandali nga lang ee." Habol sakin ni Kevi. Humarap ako sa kanya at napatigil naman sya.

"Ayaw nga kita kasabay."

"Ako kaya?" Napatingin kami pareho sa lalaki na nakatayo sa tapat ng bahay namin. "Good morning." Nakangiti nyang sabi. At lumapit sya samin. "Ako kaya gusto mo kasabay sa pagpasok?" Sya yung lalaki na gusto akong ligawan -- si Loira pala.

"Philip? Anong ginagawa mo dito?"

"Sasabayan kayo sa pagpasok."

"Kanina ka pa dito?"

"Oo. Ang tagal nyo nga ee. Hi Loira. Pwede makisabay?"

"Ay ewan." Tanging sabi ko at tinalikuran ko silang dalawa.

"Sa tingin ko ang ibig sabihin nun ay 'Oo'." Sabi nung Phlip.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Ang aga-aga ay nasa tapat ka na ng bahay namin. Ganito ka lang naman -- wait. Nililigawan mo ba si Lj?" Napatigil ako.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon