Chapter 29

50 7 0
                                    

Chapter 29

Moira's P.O.V

Sa cafeteria. Nasa harapan ko ngayon si Philip. Kasama kasi namin sila na kumakain ng lunch. At nakakainis si Kevi dahil yung mga tingin nya sakin. Hmn. Makisama ka naman.

"Rup. Eto na oh." Sabi ni Ranz na umupo sa tabi ni Ronnie.

"Thanks." Sabi naman ni Rupert na katabi ni Kevi ng makuha ang pinabili kay Ranz.

May isang bagay pa pala akong dapat gawin. Kahit hindi sya hiniling sakin ni Loira ay gagawin ko parin yun. Para makabawi narin sa ginawa kong pagpayag sa panliligaw ni Philip.

"May problema kaba?Lj?" Lj.. Ang sakit talaga. Tss. Tinatawag ka ng taong gusto mo sa ibang pangalan. "Gusto mong ibili kita ng chocolate bar?" Napatingin ako sa kanya.

"Hindi na." At umiwas kaagad ako ng tingin sa kanya. Kailangan ko syang iwasan. Ipadama sa kanya na hindi ako interasado sa kanya. Para sya nadin ang magtanong at hindi na mahirap sakin na e-busted sya. Hindi ba talaga mahirap? Hmn.

...

Kinuwento ko kina Leena at Ronnie ang nangyari kagabi. Wala naman talaga akong balak na sabihin payun ang kaso si Kevi at Leena ay pinagtalunan pa pala yun. Nagsisihan at nagsumabatan pa dahil hindi daw sinabi ni Leena ang tungkol dun.

"Sorry."

"Anong sorry?" Pagtataka ni Leena.

"Sorry kasi dahil sakin ay nagtalo pa kayo ni Kevi."

"Wala ka dapat ipag-sorry no. Akala ko ba pinakiusapan mo na si Kevi. Abnormal talaga yun."

"Maiiba nga tayo." Napatingin kami kay Ronnie. "Kung alam na ni tito ang lahat. Bakit hindi pa kayo nagpalit ni Loira?"

"Yun ba. May dapat pa kasi akong ayusin." Nakangiti kong sabi.

Hanggang matapos ang klase namin ay yun lang ang pinag-usapan namin. Kami na ang hindi nakinig sa discussion.

Palabas na kami ng room.

"Sige. Mag-ingat kayo." Sabi ko sa kanila. May training pa kasi na dapat akong puntahan kahit ayaw ko.

"Hi." Napatigil ako at ganun din sila Leena at Ronnie. Si Philip. Tumingin silang dalawa sakin. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa.

"Sige." Sabi ni Leena.

"Kuya ah." Sabi naman ni Ronnie.

"Para namang hindi ako pagkakatiwalaan nyan." Sabi ni Philip at napakamot sa ulo nya. Umalis na sila.

"Kanina ka pa?" Tumingin sya sakin at nagsimulang maglakad. Sinabayan naman nya ako.

"Oo. Maaga kasi kami pinalabas ng tito."

"Diba may training pa kayo?"

"Ikaw din diba?" Masaya ang tono ng boses nya. "Kaya sabay nadin tayo papuntang quarters." Gusto ko syang tignan, pagmasdan at kausapin ng tulad ng dati. Pero kailangan ko nang ayusin to. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako interesado -- na hindi interasado si Loira sa kanya.

"Okay."

Sabay nga kami na pumunta sa quarters. Hinatid na muna nya ako sa quarters namin at bago umalis. Kanina tahimik lang sya habang sinasabayan ako sa paglalakad. Sana nakakahalata na sya. Sana.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon