Chapter 21

57 7 1
                                    

Chapter 21

Moira's P.O.V

Nandito kami ngayon sa cafeteria at hinihintay ang next subject namin.

"Mamaya pala ay may practice game ulit sila." - Leena.

"Manonood ka?" - Ronnie.

"Yun din nga ang itatanong ko sa'yo." - Leena. At sabay silang nagtawanan.

"Ikaw?" Sabay nilang sabi. Inangat ko ang ulo ko, ibinaba ang libro na binabasa ko at tinignan sila.

"Manonood ka?" Tanong ni Leena.

"Ng ano?"

"Practice game nila mamaya."

"Hindi ko pa alam" mahina kong sabi.

"Huy, baka naman nakakalimutan mo na ikaw si Loira ngayon. Kaya sa ayaw o sa gusto mo ay sasama ka samin mamaya na manood." Sabi ni Ronnie.

"Ganun nanaman din pala ee. Bakit nyo pa ako tinatanong."

"May problema kaba?" Tanong ni Leena.

"Problema? Ako?" Tama. Nagiging ganito lang naman ako kapag may problema. Pero ano yun? Si Philip, na hindi maalis-alis sa isip ko. Si Philip na nagbibigay sakin ng maraming problema.

Bago pa ako pumunta dito ay iisa lang naman ang gusto ko at yun ay makasama si Papa. Pero dahil kay Philip ay nagbago ang lahat.

"Huy." Napatingin ako kay Ronnie. "Ano ba kasi yun?"

"Si Sophie."

"Si ate Sophie?"

"Si Philip kasi -- nung kausap nya ako ay napaka-kulit nya. Napaka-ingay at nakakairita." Totoo yun. "Pero ng dumating yung Sophie."

"Bigla syang nagbago?" Tumingin ako kay Leena. "Biglang nagbago si Philip?" Tumango ako.

"Normal lang yun kay Kuya. Sa tuwing nakakita nya ang first love nya." Sabi naman ni Ronnie.

"F-- first lo -- ve ?"

"Magsabi ka nga sakin Lj. Nagugustuhan mo na ba ang kuya ko?"

"Hindi aa." At pilit akong ngumiti. "Alam nyo naman na kaya ko to ginagawa ay para kay L."

"Pero kung ako sa Lj na crush si Phlip for almost two years.  parang nakakapanghinaya naman na hindi ako ang nakakaranas ng panliligaw ng crush ko." Sabi ni Leena.

"Leena." Awat ni Ronnie.

"Tama naman sya." Sabi ko na lang. At muling kinuha yung book at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Dati kay Miggy. Niligawan nya ako. Naging boyfriend ko sya. Pero ibang katauhan ang nakikita nya sakin. Pareho kasi kami ng ugali ng kababata nya na si Alex.

Hanggang ngayon kay Philip ba naman. Nililigawan nya ako dahil ako si Loira Jean Bargaza at hindi dahil ako talaga si Moira Jane Sarionez.

Tss.

...

Sa gym ngayon ang laro dahil umuulan. May laban nanaman kasi sila at tulad ng dati ay galing sa ibang school ang kalaban nila ngayon.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon