Chapter 12

79 8 0
                                    

Chapter 12

Moira's P.O.V

Maaga pa lang ay nakatanggap na'ko ng text kay Nics at Alex. Pinapapasok ako ng maaga. Kaya kahit na wala akong planong bumangon ng maaga ay pinilit ko parin. Dahil ilang messages na din ang na-recieve ko galing sa kanila.

"Ano ba kasi yun?" Umupo ako sa bench kung saan din sila naka-upo. "Ang aga-aga nyo naman akong inistorbo." Sumandal ako. Lumapit sakin si JM at inabot ang video camera nya. "Para saan naman to?"

"May na-interview daw kasi ang grupo nila JM." Sabi ni Nics.

"So -- ?" Sabi ko.

"Kumukuha sya ng PhD ngayon dito sa school natin. Isang syang professor." Sabi ni JM. "Sya si Robert Bargaza."

"Robert Bargaza?"

"Isa sya sa mga na-interview namin para sa activity namin."

"Ano naman."

"Look Moira. Hindi mo paba naiintindihan?" Sabi ni Alex. "Loira Jean Bargaza."

"Ang ibig sabihin ay maaaring si Professor Robert Bargaza ang ama nya. Ang Daddy mo." - Nics.

"Tama na." Binalik ko kay JM ang Vidoe cam. "Salamat at concern kayo. Pero kasi tama na. Ayoko nang umasa."

"Moira." - Alex.

"Tama si Moira. Nakakalimutan na nya ang tungkol dun. Kaya kung ipagpapatuloy pa rin natin ang mga ito baka mahirapan ulit sya." - JM

"Hindi!" Napatingin ako kay Nics.

"Pa'no kung ito na talaga. Tapos binaliwala lang natin." Tumingin sya sakin. "Habang buhay mong pagsisisihan ito."

"Tama si Nics." Pagsang-ayon ni Alex. "Moira, walang mawawala kung susubukan natin. Pero maraming pwedeng mawala kapag hindi natin sinubukan."

"Huwag ka nalang umasa ng sobra." Dugtong pa ni Nics. Tama silang pareho. Ni minsan ay wala akong narinig tungkol sa Daddy ko.

"Anong plano nyo?" Tanong ni JM. "Eto yung profile ni professor." Kinuha ni Nics ang inabot na papel ni JM. "Nandyan na ang lahat tungkol sa kanya."

"Ano Moira?" Tanong ni Nics at ipinakita sakin ang papel.

"Walang sinasabi sakin si Papa na may kakambal ako."

"Kaya hangga't walang sinasabi sakin si Papa. Hindi ako pwede maniwala sa'yo."

Naalala ko nanaman ang mga sinabi sakin ng babaeng kamukha ko. Na si Loira.

"Pag-iisipan ko." Mahina kong sabi.

...

Sa bahay.

Kasama ko si Mommy na kumakain ng hapunan. Kami lang dalawa. At hindi ko maiwasan na isipin na paano kung totoong kakambal ko si Loira? Paano kung Daddy ko si professor Robert? Edi sana ngayon ay masaya kaming sama-samang kumakain ng hapunan.

Si Loira kaya? Naiisip din nya kaya ang mga bagay na'to.

"Moira." Napatingin ako kay Mommy.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon