Chapter 15

77 8 0
                                    

Chapter 15

Moira's P.O.V

Araw ng biyernes ngayon. Kaya bago umuwi ay pumunta na muna kami sa isang coffee shop kung saan kami madalas nagkikita-kita magkakaibigan.

Ipinangako kasi namin na ang araw ng biyernes ay ilalaan para sa barkada. At si Nics ang nagpasimula nito. Pagpasok sa loob ng shop ay pumunta na kami sa lagi naming inu-upuan. Sa dulo.

"Kanina pa kayo?" Tanong ni Alex. Umupo kami sa tapat nila Jaime at Harry.

"Hindi naman." Inabot nya samin ang pera. "Kayo nadin ang umorder."

"Sige, ako naman ngayon ang pipili." Si Nics ang kumuha. At pumunta na sya sa counter.

"Sina Iven at JM?" Tanong ni Harry.

"Si Iven, ay may dinaanan pa." Sagot ni Alex. "Si JM, alam mo naman yun. Laging late."

Pagdating ni Nics ay inabot nya isa-isa ang mga inorder nya para samin. Sina Iven din at JM ay inorderan na nya.

Ganito kami tuwing friday. Dahil sa kanila ay nakakalimutan ko ang mga bagay na laging nagpapalungkot sakin. Para ko silang chocolate. Na nagpapagaan ng aking pakiramdam.

"Chocolate cake." abot sakin ni Nics.

"Thanks." Nakangiti kong sabi.

Maya-maya ay dumating nadin ang dalawa. Subukan lang nilang hindi dumating. Dahil kapag hindi sila sumipot may katumbas na kaparusahan. Hindi ko pa naman sya nararanasan. Si JM lagi. Kahit na valid ang reason.

"Ano nga pala ang balita?" Bulong sakin ni JM.

"Nagka-usap kami."

"Ni Sir. Bargaza?" Umiling ako. "Sino?"

"Si Loira." Nakangiti kong sabi.

"Mabuti naman kung ganun."

Sana nga maging maayos na ang lahat pagkatapos ng pag-uusap naming yun ni Loira. Araw-araw kong tinitignan ang cellphone ko kung nagtext sya. At sa twing may tumatawag ay lagi kong hinihiling na sana si Loira ito.

...

Papunta na kami sa room.

"Sige." Paalam ni JM. At humiwalay na ito samin.

"Mabuti naman at bibihira na lang um-absent yun?" Sabi ni Alex.

"Wala siguro masyadong projects." Sagot naman ni Nics. "Okay ka na ba?" Tanong nya sakin.

"H-huh?"

*kruuunnnggg* [vibrate ng phone]

Kinuha ko yung cellphone sa bag ko. At tinignan kung sino ang tumatawag - Loira.

"Nics -- Alex. Mauna na kayo sa room."

"Sige." Sabi ni Nics. At umalis na sila.

"Hello?" Sagot ko sa phone.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Ano yun?"

...

October 14, 2004. Friday.

Matapos ang pag-uusap naming yun ni Loira ay naging madalas na ang pag-uusap namin sa cellphone. Hanggang sa mag-semestral break.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon