Chapter 42

50 5 0
                                    

Chapter 42

 

Loira's P.O.V

 

Habang naglalakad pabalik sa gym ay iniisip ko na ang lahat na pwedeng kong sabihin kay Philip.

Si Moira kaya ay nasabi na nya lahat kay Rupert. Hmn. Ano kaya ang naging reaksyon nya. Sana hindi sya nainis o nagalit man lang. Sana maunawaan nya kami kung bakit kailangan naming gawin yun.

Tss.

"Nasan ka na ba." Bulong ko sa sarili habang patingin-tingin sa paligid. Galing na kasi ako kanina sa quarters at hinanap si Philip pero ang sabi nila Kevi ay kaaalis lang daw nito.

"Sorry." Sabi kaagad sakin ng nakabunggo ko. Hawak-hawak nya ako sa magkabilang balikat.

"Okay lang." Sabi ko habang nakatingin sa sandals ko na natapakan nya din. "Sorry din..." Patuloy ko at sya ay hawak parin ako sa magkabilang balikat. "Ako naman ..." Pag-angat ko ng ulo.

Ang taong kanina ko pa hinanap ay kaharap ko na. Nginitian ko sya pero hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nya. Gulat na gulat at titig na titig sakin.

"Okay ka lang?" Pagtataka ko. Agad namang para syang nagising, umiwas ng tingin sakin, pailing-iling  at napabitiw agad sa pagkakahawak sakin.

"Saan ka galing?"

 

"Sa quarters." Turo ko sa may hagdan.

"Sa quarters?" Sabi nya ng may halong pagtatanong at palingon-lingon mula sa labas ng building. "Sigurado ka?" Tumango-tango lang ako bilang sagot. "Okay."

 

"Okay." At pilit syang ngumiti.

"Bagay sa'yo yung dress."

 

"Thanks."

 

"Okay. Mauna na ako." Paalis na sana sya. Ng maalala ko ang dahilan kung bakit ko nga pala sya hinahanap.

"Philip." Sunod ko sa kanya sa may hagdan. Napalingon naman sya agad. "May sasabihin sana ako sa'yo."

"Ano yun? Kung pa'no agad kang nakapunta dito samantalang kakakita ko lang sa'yo kanina sa may gym kasama si Rup." Ano daw? Kasama si Rup? Si Rupert.

Kaya pala sya gulat na gulat ng makita ako kanina. Nakita pala nya si Moira at Rupert na magkausap. Ibig sabihin lang ay nakausap na pala ni Moira si Rupert. Buti naman kung ganun.

Kaya dapat ako naman.

"Oo." Lumapit pa ako sa kanya. "Tungkol nga dun." Naging seryoso ang mukha ni Philip. "Philip. Natatandahan mo ba noong unang beses na umamin ako sa'yo. At yung mga sinabi mo sakin pagkatapos nun." Ang araw na yun ang pinaka-nakakainis na ginawa ko. Hindi ko ba alam kung bakit sa kanya pa ako umamin samantalang nung araw na yun ay iba na naman din ang gusto ko. "Na hindi ikaw talaga ang nagustuhan ko. Na ibang tao yun."

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon