Chapter 17

72 8 0
                                    

Chapter 17

Lj's P.O.V

Ilang araw na'ko dito sa bahay. Napakalaki ng bahay nila. At napaka-tahimik. Tss. Nakakamiss din pala ang mga ingay nila Kevin at ang barkada nya. At si Rupert, namimiss ko na din yung mga ngiti nya.

Ang labo ko naman din kasi. Bago matapos ang sembreak ay inis na inis ako sa kanya at sa twing kasama ko sya. Tapos ngayon eto namimiss ko sya.

Ni minsan kaya ay na-miss nya din ako.

"Moira?!"

"Ay halimaw!" Napatayo ako.

"Halimaw??"

"Hindi po." Wi-nave ko ang dalawang kamay. "Sorry po . M-a -- Mom."

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo naman ako sinasagot." Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako sanay na tinatawag sa pangalan na Moira.

"Sorry po." Napayuko ako. Tumingin ulit kay Mommy. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na sya. Na nayayakap ko na sya, nakaka-usap at nakikita ko na ang mga ngiti nya. Ganun din ang mga sermon nya.

"Alam mo, Anak. Nakakapanibago ka talaga."

"Po?"

"Ay wala yun. Kakain na tayo."

"Opo." Umalis na si Mommy. Sinundan ko naman sya agad para kumain. Habang kumakain.

"Si Nics pala ay tumatawag kanina pa, hindi mo daw sinasagot ang mga tawag nya."

"May ina-asikaso po kasi ako. Kaya hindi ko na po napapansin -- pero nakapag-usap na po kami." Alam na din kasi ni Nicole. Nung friday ng gabi ay sinundo nila ako dito sa bahay. At marami silang sinabi sakin na kung ano-ano at hindi ko maintindihan.

Tapos pumunta kami sa isang coffee shop. At doon ay wala naman kaming masyadong ginawa. Pero isa-isa kong nakilala ang mga kaibigan ni Moira. Sila din yung mga nakita ko sa Mall nung una kaming magkita ni Moira.

Pero ang hindi ko makalimutan talaga ay yung si JM. Dahil nakita ko na sya -- dati pa.

At nung gabi ding yun ay nalaman nila Alex at Nicole na hindi ako si Moira. Dahil na din sa kilos ko at alam na pala nila sa umpisa lang ang tungkol dito. Ang kinaiinisan lang nila ay hindi sila nasabihan na nagpalit na kami.

"Mabuti naman kung ganun."

"Mommy?"

'Humanap ka ng paraan kung pa'no mo matatanong si Papa. Kasi kapag nababanggit ko pa lang ang Daddy ay naiinis na sya.' Naalala ko yung mga sinabi ni Moira.

"Bakit?" Huwag na muna.

"Masarap po talaga kayo magluto. Lalo na po itong gulay ay masarap po talaga." Nakangiti kong sabi.

"Ganun ba, mabuti naman at ngayon ay nagugustuhan mo na ang gulay."

"H-huh. Opo." Ays. Sana man lang pala ay napag-usapan din namin ang mga ayaw at gusto namin bago magpalit.

...

Tinignan ko isa-isa ang mga pictures ni Moira. Talaga palang magkamukha kami kahit saang parte. Tama nga si Moira -- bakit kaya naghiwalay sina Mommy at Papa? At bakit nila kami kailangan na paghiwalayin.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon