Chapter 38

46 5 0
                                    

Chapter 38

 

Rupert's P.O.V

 

"Nung isa?" Sabay naming tanong nila Philip at Ranz.

"Oo yung isa.. Yung isa nyang phone." Sabi nya habang nakatingin sa phone. "Ayan na."

 

"E-loudspeaker mo." Sabi ni Philip.

 

"Okay." Inis na sabi ni Kevi.

"Hello." Sagot ng nasa kabilang linya.

"Sino yan?" Isa pang boses ang narinig namin.

"Si Kevi."

 

"Ano nanaman ang problema nyan." Ang weird kasi parang dalawang tao ang nag-uusap sa kabilang linya pero pareho lang naman din sila ng boses.

"Naka-loudspeaker po." Sabi ni Kevi. Panandaliang nanahimik sa kabilang linya. Nagtinginan kami ni Philip. At sabay na tumingin kay Kevi. Ngumiti lang sya samin at umiwas kaagad.

"Hello?" Sabi ni Philip.

"Si Philip?" Mahinang sabi ng nasa kabilang linya.

"Shhhh. -- hello." Sabi ulit.

"Alam mo bang may isang tao dito na lagi kang hinahanap samin."

 

"Ako? Hinahanap?"

 

"Oo.. Si Rup." Sabi naman ni Ranz.

"Ganun ba.. Pakisabi naman. Sorry. Nagkaroon lang kasi ng importanteng lakad."

 

"Kasama ang artistang si Miko?" Patuloy ni Ranz.. Sinabi ko na din kasi sa kanila yung tungkol sa gym at sa sasakyan.

 

"Si Jm?"

 

"Jm.. O kahit na sino pa yun." Sabi ko. Nagtinginan silang tatlo sakin. "Bakit?!"

 

"Rupert?"Tanong ng nasa kabilang linya. Na halatang nagulat.

 

"Oh. Bakit ka biglang nanahimik?" Sabi sakin ni Philip. Kinuha nya ang cellphone kay Kevi at binigay sakin. "Kausapin mo na sya." Kinuha ko naman ang cellphone.

 

"Hello?"

 

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon