Chapter 22

57 7 0
                                    

Chapter 22

Moira's P.O.V

November 22, 2005. Tuesday.

Sa cafeteria.

"Bakit hindi mo kinakain yung dala kong ulam" sabi ni Philip. Magkakasama kasi ngayon na kumakain ng lunch. At itong si Philip ay kanina pa sakin pilit na pinapakin yung baon nyang ulam na adobong sitaw. "Hindi mo ba gusto?"

"Impossible, favorite kaya yan ni Lj." Salamat Kevi. Akala ko magkakambal kami ni Lj. Pero bakit sya kumakain ng gulay at favorite nya. Bakit ako hindi?. Tss.  Kumuha ng adobong sitaw si Philip at nilagyan ako sa pinggan.

"Kainin mo na." Sabi nya.

Tumingin ako kina Leena at Ronnie. 'HELP' sana ma-gets nila ang gusto kong sabihin. Hindi ako kunakain ng gulay. Oo. Kumakain ako pero ayoko ng lasa -- lasang dahon na mapakla, na mapait, na matabang -- WALANG LASA!!

Sumenyas sakin si Leena. Na para bang gusto nya ipakain sakin yung sitaw. Umiling ako ng kaunti para hindi nila masyado mahalata.

"Ayaw mo ba?" Tumingin ako kay Philip at pilit na ngumiti. "Masarap yan! Si Mama ang nagluto."

"Ito.." Sabi ni Ranz. "Kung ipagmalaki ang dalang baon parang sya ang nagluto."

"Ano naman kung hindi. -- pero Lj, nalaman ko kasi talaga na favorite mo yan kaya dinalhan kita."

Ang sweet naman ni Philip. Pero kasi -- sorry talaga. Ayoko talaga ng gulay.

"Kuya. Hindi kasi kumakain si Lj ng ibang luto. Ang gusto lang nya ay luto ng Papa nya." Yes. Salamat Ronnie.

"Ganun ba?" Malumanay na sabi ni Philip. "Pero kahit tigman mo lang --"

"Kasi --"

"Akin na lang." Napatingin kami pareho kay Rupert na kinuha yung pinggan ko at isinalin sa pinggan nya ang gulay, binalik nya sakin to.

"Anong ginagawa mo?" Naiiritang sabi ni Philip.

"Bakit mo ba pinipilit ang ayaw." Kinuha nya rin ang baunan at sinalin sa pinggan nya ang lahat ng gulay at kumain.

"Nakakainis ka naman ee." Sigaw ni Philip. "Iluha mo yan." Inalog ni Philip si Rupert. At pilit na pinapaluha yung kinaing ulam. "Iluha mo yan." Parang bata si Philip sa ginagawa nya.

"Ano ba. Tama na-- nasa harapan kayo ng pagkain o." Awat naman ni Sophie na katabi ni Rupert.

Tumigil si Philip. "Nakakainis naman kasi .. Hindi naman para sa kanya yun." Pabulong-bulong na sabi ni Philip.

Tumingin ako kay Rupert na kinain talaga lahat ng gulay. Nakaramdam ako ng hiya kanina dahil baka isipin nila na maarte ako pero thank you na rin. Dahil si-nave nya ako. Pero bakit? Ays. Naiinis lang siguro sya sa pangungulit ni Philip.

Tumingin ako kay Philip. Na pasimpleng ngumiti habang nakatingin kay Rupert na kumakain. Bakit? Samantalang kanina naman ay inis na inis sya dahil kinuha yung ulam nya ni Rupert. Pero bakit ngayon ay para bang masaya pa sya.

...

Kakatapos lang ng training. Grabe pala ang ginagawa nila. Puro takbo. Takbo. At takbo. Tapos palo ng bola at salo. Kaya yan tuloy ang dami ko nang pasa. Dahil hindi naman ako marunong nun. Volleyball.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon