Chapter 31

61 4 0
                                    

Chapter 31

 

Moira's P.O.V

 

Ngayong araw.. Ay kailangan ko na talaga ayusin ang lahat.

 

Bago magsimula ang klase. 10 am pa naman ang first class ko kaya ti-next ko si Philip na makipagkita sakin sa bleachers.

 

From: Philip

     Pagtapos ng klase ko.

 

Reply nya sa text ko. May klase pa kasi sila. 7:00 am - 9:00 am. Tutal nandito na naman ako kaya hihintayin ko na nga lang talaga sya.

 

Iniisip ko ng mabuti ang lahat ng mga sasabihin ko sa kanya. Lahat ng pwedeng idahilan. At ... Hindi talaga mawala sakin ang mag-alala sa magiging reaksyon nya sa lahat ng mga sasabihin ko.

 

Ang masaktan sa magiging reaksyon nya.

 

Grabe ang hirap at ang bigat sa pakiramdam. Pinaasa ko sya sa wala. Matapos ang ilang linggo na panliligaw nya ay ito lang ang gagawin ko. Parang mas mabuti pa nga talaga ang mag-assume keysa ang mag-paasa. Ays.

 

"Kanina ka pa?" Napatingin ako sa kanya na pa-akyat at umupo sa tabi ko.

 

"Hindi naman." Pilit akong ngumiti. Tumingin ako sa wrist watch ko. 8:46am. "Parang maaga yata kayo pinalabas." Tumingin ulit ako sa kanya. Ngumiti sya at tumango. Umiwas ako ng tingin. Pinagmasdan ko na lamang ang mga naglalaro sa court.

 

"Bakit parang ang aga naman at gusto mo akong makita?" Sabi nya. "Dahil ba hindi kita nasundo?" Yumuko ako at umiling-iling.

 

Bakit ganito. Kanina lang ay ang dami ko gustong sabihin sa kanya. Gustong idahilan para i-busted sya pero bakit ngayon ay parang biglang naglaho sila sa isip ko.

 

Tss.

 

*hinga ng malalim*

 

Tumingin ako sa kanya at ang bumungad sakin ay ang mga ngiti nya. Na nung una ay nakakainis pero ngayon ay parang nakakamiss.

 

"Bakit nga?"

 

"30 minutes." Bigla kong nasabi. Tama 30 minutes lang, 30 minutes na lang para maramdaman ko ang prisensya nya sa tuwing kasama ko sya. Dahil sa tuwing nasa tabi ko sya o nasa paligid lang sya na malapit sakin ay biglang nagiiba ang pakiramdam ko. Ang gaan at masaya. Kahit na iniisip ko na dapat akong mainis sa kanya... Na dapat ko syang iwasan... Na dapat kong ipamukha sa kanya na hindi ako interasado sa kanya...

 

Kapag nandyan sya ay biglang nag-iiba ang pakiramdam ko. Masaya ako sa tuwing kasama ko sya o malapit lang sya sakin.

 

At sa pag-alis ko dito sa STU ay yun ang pinaka-mamimiss ko. Kaya 30 minutes lang ang hihingin ko para sa huling pagkakataon na maramdaman ko ang kakaibang saya at gaan ng pakiramdam kapag nandyan sya.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon