Chapter 23

56 7 0
                                    

Chapter 23

Rupert's P.O.V

November 14, 2005. Monday.

Nagiging madalas ang pagsasama nila Philip at Lj. Kung sa bagay ay hindi na nakakapagtaka yun dahil nililigawan ni Philip si Lj.

Si Philip naman ay nakapagtry-out para sa varsity player at nakapasok sya kaya sa regional game ay kasama namin sya na maglalaro.

"Wala padin ba si Philip?" Tanong ni Kevi.

"Hinatid pa nun siguro si Lj." Sagot naman ni Ranz.

"Yun talaga."

"Hinatid si Lj?" Nagtinginan silang lahat sakin. "Bakit? Hindi ba nagtri-training si Lj?"

"Oo nga no."Kahit si Ranz ay napansin din.

"Hindi ko alam dun. Simula ng magpasukan ay hindi na nag-training yun." Sagot naman ni Kevi. "Ano ba ang sabi ni Sophie?"

"Hinahanap na nga daw yun ng couch nila."

Tinawag na kami ng couch namin. At nag-umpisa na kami ng training.

*ppsss*

Pumito ang couch namin. "Okay. Water break!!" Sigaw ni couch.

"Painum." Binigay ko kay Ranz yung bote na may lamang tubig.

"Wala pa din ba?" Tanong naman ni Kevi. Tumingin ako sa paligid.

"Wala pa din." Sagot ko.

"Nasan na kaya yung Halimaw na yun?" Sabi ni Ranz at ibinigay na sakin ang tubig.

"Sinong halimaw?" Sabay kaming nagtinginan kay Philip na papalapit samin. "Baka gusto mo. Hindi makadalaw sa bahay."

"Eto naman hindi mabiro." Tumawa si Ranz pero may tono ng pang-aasar.

"Bakit ngayon ka lang?" - Kevi.

"Yung pinsan mo kasi." Tumingin sya sakin. Pero umiwas ako ng tingin at uminum ng tubig. "Ang kulit kausap kaya hindi ko napansin ang oras." Inilapag ko ang bote sa bleachers.

"Ewan ko sa'yo. -- bakit hindi kapa bihis?"

"Hindi na muna ako magtri-training." Pumunta na ako sa court.

"Basta sa practice game aa. Hindi pwedeng wala ka!!" Sigaw ni Kevi.

"Opo." Pasigaw din na sagot ni Philip.

...

Habang naglalakad pauwi.

"Ang labo mo naman, Rup. Bakit ganun nanaman ang laro mo kanina?" Nadidismayang sabi ni Kevi.

"Naku, hindi pwede ang ganyan Rup." Sabi naman ni Ranz.

"May problema ka ba?" Tumingin ako kat Philip.

"Wala." At tinalikuran ko na sila.

Wala ba talaga syang alam gawin kungdi ang inisin ako. Tss.

"Rupert!!" Napalingon ako kay Sophie. Tumigil kami sa paglalakad at hinintay sya. "Mabuti naman at naabutan ko kaya." Sabi nya habang hinihingal.

143: "I Envy You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon