Chapter 2

12.1K 176 0
                                    

Karisma's POV

Nag iba na ang mood ni papa simula nung manggaling siya sa kanyang opisina. Parang may mali. Naglakas loob akong magtanong.

"Papa, is there something wrong?" Mahinahon ko siyang tinanong. Ngunit ngiti lang ang isinagot niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Alam ko na. Meron ngang problema pero ayaw niya lang sabihin sa akin. Tinignan ko si Mama. Halatang nag aalala rin siya.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo ako sa hardin para magpahangin. Sumunod sa akin si Mama. Inakbayan niya ako. Kung titignan talaga kami ni Mama para kaming magkapatid. Parang hindi nagkakalayo ang edad namin ni mama.

"Kamusta naman ang anak ko?" Nginitian niya ako.

"Okay naman ako, Ma. Siya nga pala, anong problema kaya ang sinabi ng mga guwardya?" Tanong ko kay Mama.

Bumitaw sa akin si Mama. Meron siyang look na parang ayaw niyang sabihin sakin ang nangyayari.

"Wala iyon, hija. Huwag mo ng alalahanin ang bagay na iyon." Tinapik niya ako sa likod. Pero hindi dun nagtatapos ang pag uusap namin. Likas na talaga sakin ang pagiging curious at matanong.

"Ma, alam kong may mali. Malaki na po ako. Hindi na ako bata para paglihiman ninyo. Ano ba ang nangyayari Mama?" Seryoso kong tinanong si Mama. Hindi na rin siya nakapaglihim sakin.

"Yung mga tiwaling kalahi natin, anak. Inaatake nila ang mga tao. Labag sa sinumpaan natin ang pag kain at pagpatay ng mga tao. Mula pa sa mga ninuno natin ang panatang yan. Sinusunod lang ng henerasyon natin." Nakikita ko sa mga mata ni Mama ang pag aalala. Maging ako ay naalarma sa nalaman ko. Gusto kong makatulong kay papa.

"Ma, gusto kong tumulong sa paghahanap sa mga tiwaling kalahi." Matapang kong sinabi kay Mama. Halatang nagulat din siya dahil nanlaki ang mga bilugan niyang mata.

"Anak, you cant do that. Hindi kita papayagan. Hindi rin papayag ang papa mo. Masyadong delikado ang iniisip mo. Dito ka lang. Hayaan mong mga guwardya nalang ang maghanap sa kanila sa siyudad." Medyo umaangat na ang boses ni Mama. Halatang hindi niya talaga nagustuhan ang sinabi ko. Pero mapilit ako at talagang ipipilit ko ang gusto ko.

"Pero ma, hindi ko kayang tumunganga nalang dito at walang gawin para makatulong sa lahi natin." Saglit akong tinitignan ni Mama. Lumamlam ang mukha niya. Pero hindi umubra ang convincing powers ko.

"Anak. Huwag mo na ipilit ang gusto mo. Ayaw naming mapahamak ka. Delikado ang iniisip mo. Kalimutan mo na yan." Hindi ko kaya. Ilang taon din akong walang magawa para sa lahi namin. Gusto ko ako naman ang may gawin para sa lahi namin. Hindi ako mapakali. Gusto kong magpunta ng siyudad.

Ilang linggo na rin ang lumipas. Madalas kong naririnig si Papa na kausap ang mga guwardya. Hindi pa rin nila matukoy ang tunay na salarin sa nangyayaring pagpatay sa mga tao. Nakaupo ako sa aking silid at nagbabasa ng libro nang pumasok si Nana Belen.

"Senyorita, dinalhan kita ng mainit na chokolate." Inilapag niya ang tasa sa maliit na mesa sa aking gilid. Palabas na si Nana ng aking silid when i called her. Lumapit siya sa akin.

"Nana.. Tulungan mo ako. Tulungan mo akong makatakas." Lakas loob kong sinabi kay Nana Belen ang gusto ko. Pero tila hindi niya ito nagustuhan.

"Diyos ko. Ano bang sinasabi mo, Senyorita? Kapag nalaman ng mga magulang mo ito, ako ang mananagot" Tila kinabahan si Nana. Nakita ko iyon sa mga reaksyon niya.

"Nana. Gusto ko pong makatulong sa lahi natin. Ayokong nakatunganga lang dito habang sinisira ang imahe natin ng mga kalahi nating tiwali. Sana maintindihan mo ako, Nana." She hugged me. Mukhang naramdaman niya ang mga salitang sinabi ko. Good job, Karisma.

"Nako. Nakuha mo nanaman ako sa ganyan-ganyan mo ha. O siya sige, ako na ang bahala sa mga magulang mo. Bukas ng umaga, bago sumikat ang araw. Magkita tayo sa may main door. Ihanda mo na ang mga kailangan mo. Kakausapin ko si Donato na ipagmaneho tayo hanggang sa bayan." Niyakap ko si Nana. Sa wakas ay meron na ring nakaintindi sa sitwasyon ko. Pagkalabas ni Nana ng aking silid, agad kong niligpit ang mga gamit ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng ballpen at papel. Gumawa ako ng sulat para kina Mama at Papa. Sinabi ko na kailangan kong gawin ito bilang susunod na mamumuno sa aming lahi. Sana ay maintindihan din nila ito.

Maaga akong natulog para paghandaan ang pagtakas ko.

Sana ay tama ang aking desisyon.

Nana Belen's POV

Tama ba ang ginawa ko? Pinayagan ko si Senyorita Karisma na takasan ang mga magulang niya. Diyosmiyo. Hindi tuloy ako makatulog sa ginawa ko. Bawiin ko nalang kaya ang desisyon ko at sabihin ko kay Senyorita na huwag nalang ituloy ang plano? Naalala ko ang reaksyon ng alaga ko nung sinabi kong tutulungan ko siya. Noon pa man ay sadyang ganun na ang Senyorita. Malaki talaga ang pagmamahal niya para sa mga kalahi niya. Nagmana siya sa kaniyang Lolo noong nabubuhay pa ito. Nagkasakit kasi ang kanyang lolo na naging sanhi ng pagkamatay nito. Naaalala ko kay Senyorita ang namatay kong anak. Dati rin akong tao kaya apektado rin ako sa mga nangyayari. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya Foronda kaya pumayag ako na maging isang... Isa sa kanila. Ipinagamot ni Don Eduardo ang aking anak ngunit sa kasamaang palad, pumanaw pa rin siya. Siya nalang ang ka isa isa kong kamag anak at kasama sa buhay. Kaya naman nang ipinanganak si Senyorita Karisma, hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok ng pamilya Foronda na ako ang gagawin nilang tagapag alaga ng kanilang unica hija.

Lumabas ako ng aking silid at nagtungo sa labas para hanapin si Donato, ang family driver. Siya lagi ang kasama ko kapag namamalengke ako sa bayan.

Nang makita ko siya ay agad kong sinabi sa kanya ang pakay ko. Hindi maipaliwanag ang kanyang naging reaksyon.

"Sigurado ka ba jan, Nana Belen? Baka matanggal ako sa trabaho niyan. Ako ang bumubuhay sa pamilya ko." Napakamot ito ng ulo. Alam kong nagdadalawang isip siya sa sinabi ko pero sa bandang huli rin ay nakumbinse ko rin siya. Alam kong maiintindihan ito ng mag asawang Foronda. Kahit sila din naman ang nasa lugar ko, alam ko ito rin ang gagawin nila dahil mahal nila si Karisma.

END OF CHAPTER 2

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon