Chapter 13

5.7K 102 1
                                    

(Author's Note: Dear Readers, Kapag naka ITALIC po ang paragraph and POVs, flashback po iyon. Thanks! Enjoy Reading!)

                               Chapter 13

Nate's POV

Magkatabi kami ni Miss Pantal sa likod ng kotse. Nasa front seat naman ang kanyang alalay. And Nico's driving. Mejo awkward. Hindi naman kasi ako dapat dito uupo..

Nang makita na namin ang kotse sa parking lot ay nagsi-sakayan na kami. Ang bilis lang talaga kumilos ng alalay ni Miss Pantal. Sa front seat agad siya pumwesto. Great.
"Oh, tol. Sakay na!" sabi ni Nico. Napahinto kasi ako habang silang lahat ay nakapuwesto na. Nakatingin lang sa akin si Miss Pantal. I have no choice. Binuksan ko ang pinto ng back seat. Bumungad sa akin ang maputing legs ni Miss Pantal. Wala na nga talaga ang mga allergies. Naka skirt kasi siya. Umiling iling ako at tumabi sakanya. Umusog naman siya sa dulo. Akala naman niya gusto ko siyang katabi? hmmp! Maganda sana kaso ubod ng suplada.

Present time....

Mejo awkward pa rin ang sitwasyon sa amin ni Miss Pantal. Nakatingin lang sya sa bintana. Pero mukhang naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Ibang klase, may mata ba ito sa gilid? Nakita niya pa yun? Kaagad kong binawi ang tingin ko.

"Bakit ka nakatingin?" sabi niya. Ang talas naman ng mata nito. Ngayon lang ako naka encounter ng ganitong klaseng tao.

"Ha? ako? Bakit naman kita titignan? tumingin lang ako sa bintana." sabi ko. Ngumisi lang siya. Bakit ba kasi ako napapatingin sa kanya.

"Kara, Malapit na ba? Andito na tayo sa simbahan eh." tanong ni Nico.

"Oo. Kumaliwa ka. Tapos kanan at dire-diretso lang hanggang sa makita mo yung gate ng village." instruct niya kay Nico.

Mejo madilim ang daan papunta sa kanila. At ang layo, nakatulog na na rin si Miss Pantal at ang kasama nya. Nang marating namin ang gate ng village nila bumusina si Nico. Ngunit nakakailang busina na siya ay wala pa ring nagbubukas ng gate.

Bumaba siya para tignan. Nakita kong sinilip niya ang guardhouse at tinignan niya ang gate. Tapos bumalik siya sa loob ng kotse.

"Walang guard at Naka lock ang gate, bro." Napakamot ito ng ulo. Maski rin ako. We cant just drop them here at hayaan sila na maglakad sa kalye na madilim.

"I guess, dito na tayo magpapalipas ng oras." Sabi ko. Tinignan ko ang oras sa kotse. 4:30 am. Pumayag naman si Nico. Binuksan niya ng bahagya ang bintana sa pinto niya para magkahangin kami. Pinatay niya ang makina.

"Well, goodnight sa atin." sabi niya sabay sandal sa upuan para matulog.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ako makatulog. Napatingin ako kay Miss Pantal... or should i start to call her by her name, Kara. Ang gandang pangalan. Bagay na bagay sa kanya. Naalala ko tuloy ang kababata ko noon sa bundok. Hindi ko makalimutan ang hitsura niya.

"Senyorita Karisma! Mabuti naman at nakarating ka." Sabi ko. Ngumiti siya.
"Ikaw talaga. Wag nang senyorita. Saan tayo maglalaro?" dinala ko siya sa magandang parte ng bundok. Kasama niya ang tagapag alaga niya.
"Ang ganda naman dito, Nathaniel." gustong gusto niya ang lugar. Bigla akong nalungkot dahil ito na ang huling paglalaro namin. May planong tumakas ang pamilya ko. Matagal na silang nagrerebelde kay Don William. Ayokong sumama pero kailangan.
"Karisma, may kailangan akong sabihin."  sabi ko.
"Bakit mukhang malungkot ka? Ano yun?" Nagtaka siya. Ayokong malungkot siya. Balak ko sanang magpaalam sakanya, pero hindi pwede. Sabi ng mga magulang ko, huwag ipagkakalat ang pagtakas namin.
"malungkot? hindi ah. Gusto ko lang sana magpasalamat. Kasi tinanggap mo ako bilang kaibigan kahit na ganito lang ako." yumuko ako. At bigla ako nakaramdam ng biglang umakbay sa akin. Inakbayan niya ako. Yun na ang huling pag uusap naming dalawa.

Back to Reality...

Nakita ko na parang sumasakit na ang leeg ni Kara sa pwesto niya. Dahan dahan ko siyang inihiga at kinandong ang ulo nya sa kandungan ko. Maya-maya ay nakatulog na rin ako.

Kara Foronda's POV

Idinilat ko ang mga mata ko. Maliwanag na. Maaga na pala. Wait! Nasaan ako? Unti unting nag sisink in sa akin na nasa loob ako ng isang kotse. At nakahiga ako. Nakaunan ako kay....... Mr. Kumag?! How? Ako ba ang humiga sa kanya? Ang alam ko nakasandal ako sa may bintana. At bakit dito kami natulog? Mga sinungaling talagang itong mga ito. Sabi nila ihahatid nila kami. Tsktsk... I checked my wristwatch. 7:00 am. Agad akong bumangon. Nagising naman ang kumag. Nag inat ito. Tinignan ko lang siya.

"Good morning. Kanina ka pa gising?" Mahinahon niyang sabi.

"K-kagigising ko lang. Teka, bakit ako nakahiga sayo?" Tinanong ko siya.

"Mukha kasing nangangawit ka na kagabi. Baka magkastif neck ka pa eh. At saka dito tayo natulog kasi-"

"Yun pa! Sabi niyo ihahatid nyo kami! Anong nangyari? Bakit dito tayo natulog? ano? sumagot ka!" Sinigawan ko siya, dahilan para magising ang kasama niya at si Tinay.

"Woah woah, nag aaway ba kayo? Kalma lang pwede? A-aray! sumakit ang likod ko ah." Sabi ng kasama niya.

"Kalma? paano akong kakalma? Hindi nyo kami ginising para makababa at makauwi kami. Akala ko mapapagkatiwalaan kayo!" sinamaan ko silang dalawa ng tingin.

"Ma'am. Sorry, hindi ko nasabi sa inyo, hanggang 12 midnight lang ang gate dito. Nakalock na po iyon after 12. At walang guard na magbubukas sa atin." Napakagat labi siya. Ouch! Todo talak pa naman ako sa dalawa. Nakakahiya lang. Napayuko ako. Nahalata naman ni Kumag na tumahimik na ako dahil mali ako ng akala.

"Okay! Someone is going to invite us sa bahay nila para mag almusal." Parinig ni Kumag.

Napaangat ang ulo ko. Gusto kong tumanggi at mag protesta sa sinabi niya. Kaso nakakahiya din ang ginawa ko sa kanila. Kung iniwan nila kami dito kanina edi sa kalye pala kami natulog ni Tinay.

"Ma'am? ano?" Tinanong ako ni Tinay. Tumango lang ako. At lahat sila ay naghiyawan. OA lang? The chinese looking guy starts the car engine. Bukas na ang gate kaya naman dire diretso na ang takbo. Si Tinay na ang nag guide sa kanya papunta sa bahay. Sana tama ang desisyon kong payagang makapunta sila sa bahay.

END OF CHAPTER 13

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon