Nang pumatak na ang oras ng pag uwi ko ay agad akong nag punch out. Nagpaalam na ako kay Nico at sa mga katrabaho ko. Masaya naman ang buhay ko kahit mag isa nalang akong nabubuhay ngayon. Ang mga magulang ko? Hindi ko na alam kung nasaan na sila ngayon. Itinakwil na rin naman na nila ako eh. Ano pang dahilan para hanapin ko sila. Tanggap ang tunay kong pagkatao ng mga kaibigan at katrabaho ko. Nagtaka ba kayo sa sinabi ko? Tama kayo, hindi ako mortal na tao katulad nyo. Isa ako sa nilalang na kinatatakutan ng marami. Isa akong bampira. Pero kagaya ng sinabi ko, hindi ako katulad nila, ng mga magulang ko. Hindi ako kumakain ng laman at dugo ng tao. Hanggang ngayon ay sinusunod ko pa rin ang patakaran na kinalakhan ko. Siguro nagtataka din kayo kung paano nalaman ng mga malalapit sa akin ang tungkol sa pagkatao ko? Simple lang, paano ako makakapag aral kung wala akong personal records diba? Mabuti nalang at napakabait ng pamunuan ng eskwelahan na pinasukan ko. Itinago nila ang tunay kong katauhan. Kapalit lang nun ay ang pagsumpa ko na hindi maghahasik ng lagim sa eskwelahan o kahit saang lugar na kung saan madadamay ang pangalan nila. Hindi ako ganung klaseng bampira. Naalala ko noong bata pa ako, iniidolo ko ang pinuno ng lahi namin, si Don William. Kamusta na kaya sila? At ang kanyang nag iisang anak na si Senyorita Karisma? Siguro lalo siyang gumanda. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami. Lagi kaming naglalaro ng palihim sa labas ng mansyon nila. Hanggang ngayon siguro ay nakakulong pa rin siya sa mansyon nila. Sana balang araw maranasan rin niya ang ganito, malaya. Habang naglalakad sa daan, nadaan ko ang isang dyaryo vendor. Nakita ko ang litrato sa headlines.
"Manong, magkano ang dyaryo?" Tanong ko sa tindero.
"Bente singko lang, hijo." Sagot niya. Agad kong binigay ang bayad at kinuha ang dyaryo. Not again.
Mga hinihinalang mabangis na hayop, muling umatake sa isang barangay sa Metro Manila.
Mabangis na hayop? Come on, lets face the fact. Lahi nanaman namin ang may gawa nito. Mga tiwaling lahi. Kasama ang mga magulang ko. Sinubukan ko silang pakiusapan na magbagong buhay pero hindi sila nakinig sa akin. Maswerte nga ako dahil nakakuha ako ng trabaho. Nagkataon kasi na ang may ari ng university na pinasukan ko at itong ospital na pinapasukan ko ay iisa. Bilang proteksyon, pinapirma ng waiver ang lahat ng empleyado ng ospital na hindi nila maaaring ipagkalat ang tunay kong pagkatao. Or else, makukulong sila. Ayoko nang magkaroon pa ng ugnayan sa mga magulang ko o sa kahit kanino sa lahi ko. Gusto ko na ng tahimik na buhay. Yung parang normal na tao. Masyado kasimg komplikado ang buhay ng isang imortal na kagaya ko. Hindi mo gugustuhin maging ako. Tumawid ako sa kabilang kanto ay pinara ko ang jeep at sumakay. Hinubad ko ang bagpack ko at ikinandong ko para makaupo ako ng maayos. Hindi ko maiwasang makinig sa usapan ng dalawang babae sa harap ko. Nagkukuwentuhan sila tungkol sa naganap pag atake ng 'mabangis na hayop' sa kabilang barangay. Napailing nalang ako.
"Alam mo mare, nakakaalarma na yang pag atake na yan. Baka sa susunod dito na sa atin. Kailangan na natin maghanda." Sabi ni aleng nakapusod ang buhok.
"Oo nga mare. Nabanggit sa akin ng pamangkin ko na taga roon, malapit daw sa kanila yung pinatay. Kaya nga pinag iingat ko sila eh." Sagot ni aleng kulot ang buhok. Maya-maya ay huminto ang jeep. Nagsakay ng pasahero sa tapat ng isang botika.
Karisma Foronda's Point of View
Sa wakas! May jeep na dumaan. Kanina pa kami nakatayo ni Tinay dito. Hanggang sa dumami na nga kaming nag aabang eh. Ayan, siksikan na tuloy. Pero awa na panginoon, kasya naman ako. Dahil sa siksikan kanina sa pagsakay, nagkahiwalay kami ni Tinay ng upuan. Sa bandang dulo siya napaupo, ako naman ay sa bandang unahan. Umusog kasi yung lalaki at nagkaroon ng space kaya umupo na ako. Sumenyas ako kay Tinay na ako na ang magbabayad. Kaya inabot ko na ang bayad ko.
"Bayad po, dalawa. Sa may simbahan lang." Naroon kasi ang mga tricycle papunta sa village namin. Nang makarating sa driver ang bayad ko ay agad niya ako sinuklian. Pasa pasa ang sukli ko hanggang sa inabot ng lalaki sa tabi ko.
"Sala-" i was about to say thank you nang mamukaan ko ang lalaking katabi ko.
"Ikaw?" Nagkasabay pa kami sa pagsabi. Wow ha. Marunong tyumempo ang kumag na ito ah.
"Hi, miss. Bakit ka umalis sa ospital? Takot ka ba sa BP? Sandali lang naman iyon eh." He smiled. Awww.. Ang ganda ng ngiti niya. Medyo nakakatunaw lang. Sana sumama na yung mga red spots ko sa matutunaw. Ikaw kaya lumugar sa sitwasyon ko! Tignan ko lang!
"Ha? Ahh eh.. K-kasi, i just realized na may kailangan pa akong gawin." Lame reason. Basag na basag na ang dahilang yan. Kaso, he notice the plastic ng gamot. Ang laki pa ng logo. Geric's Pharmacy.
"Anong gamot yan? Sa allergy mo? Paano ka nakabili niyan? May reseta ka ba? Buti pinagbentahan ka ng botika." Wow ah. Ang daming tanong ha. Napapaligiran talaga ako ng mga matanong na tao, ano po? Itinago ko ang plastic sa bag ko para hindi na niya tignan pa. Tama nga siya. Ayaw nga kaming pagbilhan ng masungit na pharmacist dahil wala daw kaming reseta. Mabuti nalang artista ang kasama ko.
-FLASHBACK-
"Sige na po ate. Baka pwedeng bumili na kami ng gamot. Kahit tatlo lang. Pliiiiiis!" Nagmakaawa si Tinay sa Pharmacist pero matigas ito. Pusong bato? Hmm.
Nagtatago ako sa gilid nun at hinayaan kong si Tinay ang bumili.
Naririnig kong nakikipagtalo pa rin siya sa pharmacist kaya lumabas na ako.
"Yan ate! Nakikita mo yung amo ko. Puro pantal at namumutla na ang balat. Hindi ka ba naawa sakanya? Kung sayo mangyari yan? Syempre mahihiya ka na lumabas. Mahabag ka naman ate. Kung may puso ka talaga para sa kapwa mo, pagbibilhan mo na kami." Woooh! And the best actress award goes to...... Infairness kay Tinay. Nanlaki ang mga mata ko sa mga dialog niya. Mukhang effective dahil kinuha na ng pharmacist ang mga gamot sa allergy.
"Oh ayan. Bawal talaga eh. Kaso nakakaawa naman ang hitsura ng amo mo. Kaya sige na, kunin mo na yan. Wag mo lang ipagsasabi na nagbenta ako ng gamot na yan ng walang reseta ha." Nag apir kami ni Tinay. Binayaran na namin ang gamot at nagpunta sa may sakayan ng jeep.-END OF FLASHBACK-
Back to reality....
Napakamatanong nitong si Mr. Kumag. Yan na ang tawag ko sakanya. Masyadong mabait yung pangalang 'Nate' para sa kanya.
"Anong pangalan mo miss? Saan ka nakatira? May cellphone ka ba? Facebook? Twitter? Skype?" Tanong niya. Konti nalang sasamain na sa akin to. Internet nga wala eh. Facebook, twitter at skype pa kaya?
"Wala." Matipid kong sagot sakanya. Aba at tinawanan lang akong mokong.
"Wala kang pangalan? At wala kang bahay? Kawawa ka naman." Sige tawa pa! Hmmp!
"Ang dami mo kasing tanong. Kaya yung huling tanong mo nalang ang sinagot ko."
Inirapan ko siya. Minsan ay mawawala ang bait mo sa mga ganitong tao eh. Mga tao talaga! Minsan iba ang ugali.
"Ano nga pangalan mo? Please?" Ulit nyang tanong. Pinagdikit niya pa ang dalawang palad niya na parang nagdadasal. Pero napansin ko ang hawak nyang dyaryo. Binasa ko ang nakasulat sa headlines.
Mga hinihinalang mabangis na hayop, muling umatake sa isang barangay sa Metro Manila.
Mukhang eto na ang simula ng misyon ko. Eto na ang hinahanap ko. Alam kong nasa paligid lang sila. Kailangan ko na silang mahuli. Nang matanaw ko ang simbahan ay agad akong pumara at bumaba. Nakalimutan ko si Mr. kumag dahil sa nakita ko sa dyaryo. Marami ang nagsibabaan sa simbahan. Hinintay kong makababa si Tinay at saka kami sumakay ng tricycle.
END OF CHAPTER 9
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...