Chapter 5

7.6K 136 0
                                    

Nana Belen's POV

Kinakabahan ako. Kailangan maka isip ako ng idadahilan ko kung saan ako nagpunta. Masyadong maaga ang alis ko kaya malamang magtataka ang mag asawa kung saan ako nanggaling.

"Donato, dumaan muna tayo sa palengke bago umuwi." Magaling Belen. Tama. Kailangan ko tumungo sa palengke para palabasin na maaga lamang akong namalengke. Kunwari ay wala akong alam sa pagtakas ni Senyorita.

"Sige po, Nana." Lumihis ng daan si Donato. Nang makarating kami sa palengke ay bumili na ako ng mga kailangan at supplies sa mansyon. At agad na rin kaming umalis ni Donato para makabalik ako sa Mansyon. Malamang ay gising na ang mag asawa. Alam na kaya nila na wala na ang anak nila sa bahay nila. Malayo pa naman ang biyahe kaya naman naisipan kong maidlip muna.

Karisma's POV

Itinuro sa akin ni Tinay ang aking silid. Ngunit wala daw silang susi ng kwartong iyon. Bigla ko naalala ang susi na ibinigay sa akin ni Nana Belen.

"Ako na bahala, Tinay. Salamat." Sabi ko. Ngumiti siya at bumalik na sa kusina. Kinuha ko sa bag ko ang Susi. Sinubukan ko ito sa doorknob ng kwarto. Swak! Dito nga ang susing ito. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakaayos ang lahat. May mga litrato ng pamilya namin. Nakakatuwa naman. Hindi ko na sila masyado mamimiss dahil andito na ang mga mukha nila mama at papa. Dapat pala laging nakasara ang kwartong ito. Kailangan maging maingat ako. Ipinatong ko ang maleta ko sa maliit na lamesa sa gilid at humiga ako sa kama. Hay! Malaya na ako! Kailangan ma experience kong lumabas. Agad akong bumangon sa kama at binuksan ang aking maleta. Kumuha ako ng isang blouse at skirt. Nagpalit ako ng damit. Umupo ako sa aking tukador. Napakanda mg tukador na ito. Halatang antique pero ang ganda pa rin ng yari. Kinuha ko ang suklay at hinagod ko ang aking buhok. Ngayon ko lang napansin, ang haba na pala ng buhok ko. Hanggang beywang na. Straight at itim na itim. Bumagay lang sa maputi kong balat. Or should i say maputla kong balat? Pareho lang yun! Hehe. Kidding aside, gusto ko lumabas. Nagpahid ako ng lipbalm sa aking labi at lumabas ng kwarto. Opo, hindi ko nakakalimutan na i lock ang aking silid at nasa akin ang susi, malamang. Siguro iniisip nyo na masyado akong malandi sa katawan. Hindi naman, babae ako kaya natural lang siguro na magpaganda ako. Por que ba hindi ako tao ay hindi na ako pwede magpaganda? Nakasalubong ko si Tinay sa sala. Tinignan niya ako mula ulo, maliit kong beywang hanggang paa. Ngumiti siya.

"May lakad ka, Ma'am? May date ka noh?" Tukso niya. Date? Eh wala ngang kasintahan? Wala ngang nanliligaw. Kung alam mo lang, Tinay kung saan ako galing. Nako! Speaking of kasintahan, naalala ko yung batang nagbigay sa akin ng bulaklak noong mga bata pa kami. Si Nathaniel. Nasaan na kaya siya ngayon? Kasama kaya siya sa mga tumiwalag sa lahi namin? Sana hindi.

"Ma'am? Okay ka lang?" Tinapik ako ni Tinay sa braso. Parang nagulat siya. What is it this time?

"Ma'am bakit ang lamig nyo? Sigurado po ba kayong okay lang kayo?" Sh....iopao! Ang daming tanong talaga. Alam ko matanong din ako pero not like her.

"Ha? Ahh eh, nagbukas kasi ako ng aircon sa kwarto, kaya siguro na absorb ng katawan ko ang lamig. Ikaw talaga. Magbihis ka nga, i-tour mo ako sa labas. Saan ba pwedeng mamasyal dito?" Halatang natuwa ang loka-loka. Agad siyang nagbihis. Woah. Ang bilis naman. Mukhang gala ang babaeng ito ah. Pero sa tingin ko magkakasundo naman kami nito. Pero mabuti na yung ganito, yung wala siyang alam sa kung sino ako at ang pamilya ko at ang dahilan kung bakit ako nandito.

"Ma'am, pano ba yan, wala tayong kotse. Keri lang ba sayo ang mag johnny walker" Huh? Anong lenggwahe naman ang sinasabi nito? Keri? Johnny walker? Teka. Mapapahiya ako pag tinanong ko siya kung ano yun. Dahil mabilis ang pickup at common sense ko, malamang tinatanong niya ako kung okay lang sakin ang maglakad. Tama! Galing mo talaga, Karisma.

"Ha?! Ahh oo.. Oo naman. Sige." Umayon ayon ako na parang naintindihan ko talaga ang sinasabi niya. Eh ang totoo, nanghula lang naman ako. Haha!

"Saan naman tayo pupunta, aber?" Tinanong ko siya. Mahirap na no? Baka kung saan saang pipichuging lugar niya lang ako dalhin. Mabuti nang malaman ko agad para makaatras na ako.

"Sa mall, ma'am. Maganda dun. Makakapag shopping ka at makakakain ng gusto mo." Ngumiti siya pero sandali lang. Napansin ko na biglang lumamlam ang mukha niya. Aba, ang masayahing si Tinay nag iba ng mood.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Concern din naman ako kahit paano.

"Naalala ko lang po ang pamilya ko sa probinsya, Ma'am. Gusto rin kasi nila makapunta dito sa maynila. Kaso ang mahal ng pamasahe at malayo. Matanda na ang mga magulang ko eh. Tapos pinapaaral ko pa ang dalawa kong kapatid sa probinsya. Kaya naman bilang panganay, obligasyon ko sila." She said. Grabe. Wow. Just wow. Binubuhay niya ang apat na tao sa probinsya nila. Namiss ko tuloy ang mga magulang ko. Napansin niyang natahimik ako. Ako naman ang tinanong niya tungkol sa pamilya ko. Oops! I should be careful sa mga sagot ko.

"Ah? Ako? Uhm, ayun. Nasa malayo sila. Pero namimiss ko na rin sila." Shoot! Mauubusan ako ng brain cells sa babaeng ito.

"Bakit nyo po ba naisipang bumalik dito sa pilipinas, Ma'am?" What the? Ang alam ko sa bundok ako tumira, hindi sa ibang bansa. Wait, kailangan malaman ko kung saan galing ang ideyang nangibang bansa ako.

"Ha?" My ideal answer para makalusot.

"Sabi kasi ni Nanna Belen na sa america kayo tumira ang buong pamilya nyo. Bakit po kayo umuwi?" Gotcha! Oo nga naman, bakit nga naman sasabihin ni Nana na sa bundok nakatira ang pamilya ko. Nice idea, Nana. Kailangan ng putulin ang dila nito, este ng usapan na ito baka kung saan pa mapunta.

"Basta mahabang kwento. Ikukuwento ko sayo pag close na tayo." Hard ba? Slight lang naman eh. Ngumiti lang siya sa akin. Nakakita siya ng Jeep at pinara niya ito.

END OF CHAPTER 5

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon