Kara Foronda's POV
Multo ng nakaraan? Ang drama lang pakinggan pero napansin kong nag iba ang reaksyon ng mukha niya. Mukhang may pinagdadaanan ang kumag. Binalewala ko nalang at kumain nalang kami.
"Grabe Tinay, ang sarap mo talaga magluto. Da best ka." sabi ng isa sa mga gwardya ng bahay. Umayon naman ang isa.
"ikaw Kara? Masarap ka rin ba magluto?" tanong ni Nico. Napakadaldal talaga ng lalaking ito. Parang pwet ng manok ang bibig. Sa lahat naman ng pwedeng itanong tungkol sa akin ay yung magluto pa?! Yung hindi ko kayang gawin! Haaay..
"Ha? Ah...eh.. Konti lang." sabi ko.
"ang humble mo talaga, nakakainlove..." sabi nito. Binatukan naman ni Nate ang kaibigan niya.
"kumain ka nalang jan." sabi niya sa kaibigan.
Pagkatapos mag almusal ay dumeretso na ako sa kwarto ko para magpalit. Baka mapagkamalan nanaman akong multo sa suot kong night gown. Paglabas ko ng kwarto ay naroon pa rin sila. Nakaupo silang dalawa sa sala at nagkukuwentuhan.
"Hindi pa ba kayo aalis?" sabi ko.
"Pinapaalis mo na ba kami? Grabe ka naman Kara." sabi ni Nico.
Tinitignan ko lang si Kumag. Tahimik pa rin siya. Mukhang ang laki talaga ng problema niya. Ang mga lalaki kapag ganyan ang mukha, malamang may problema sa--
"Nagbreak kayo ng girlfriend mo no?" parang nabigla siya sa sinabi ko kasi napaangat ang ulo niya at tinignan niya ako.
"Tingin mo talaga may karelasyon ako ngayon?" sabi niya.
"Alam mo kasi Kara. Simula nung magkakilala kami nitong si Nate ay wala pa akong nakilala na nililigawan niya. Napakatorpe kasi nit--" bigla niya siyang siniko ni kumag. Torpe? Meron pa palang ganung lalaki ngayon? Natawa naman ako dun.
"Bakit ka tumatawa? ano naman nakakatawa?" sabi ni Nate.
"Wala naman. Masama ba? Huwag mong sabihin na bawal ako tumawa sa sarili kong pamamahay?" tinaas ko ang kanang kilay ko.
He just rolled his eyes.
"Pwede ba magtanong Kara? Nasaan ang mga parents mo? mga kapatid?" tanong ni Nico.
Parents? Ano susunod nito? saan ako ipinanganak? Medyo delikado.
"ibang bansa." tipid na sagot ko.
"Ahh.. eh may boyfriend ka ba?" he added.
Mejo narelieved ako sa tanong niya. At least ito madaling sagutin.
"Wala. sa ngayon. Marami akong dapat asikasuhin sa ngayon kaya wala akong panahon para sa mga ganyang bagay." diretsahang sagot ko. Napansin ko naman na mejo sumimangot si Nico. Samantalang si Nate naman ay wala pa ring reaksyon ang parang ang lalim pa rin ng iniisip.
Saglit kaming natahimik. Maya-maya ay binuksan ko nalang ang TV para naman kahit paano ay may mapaglibangan. Walang kwentang kausap ang dalawang ito eh.
Balita ang palabas. Ililipat ko sana sa ibang channel pero may ibinalitang tungkol sa isang kumakalat na video.
Headline sa balita: ISANG VIDEO ANG KUMAKALAT NGAYON NA NAKUNAN NG ISANG DI PA NAKIKILALANG CITIZEN SA INTERNET, NAKIKITA SA VIDEO ANG PAG ATAKE NG MGA KAKAIBANG NILALANG SA ISANG BABAE.
Medyo malabo at madilim ang kuha kaya hindi matukoy kung ano ito. Napaangat naman si Nate sa kinauupuan niya. Tinignan ko siya. He seems like he knew what was that. Ako naman, ang kutob ko ay ang mga hinahanap kong tiwaling kalahi. Naalala kong itext si Ariel.
"Watch the news." then i press send.Agad naman siyang nagreply.
"Oo. Nanonood ako ngayon. Nakaligtas ang babae. Puntahan natin siya sa Ospital. Itetext ko sayo ang address." reply niya."Grabe kawawa naman yan no? nakaligtas pa ba yan? parang hindi na. Eh parang halinaw yung umatake sa kanya eh." sabi ni Nico. Agad namang tumayo si Nate at umalis ng walang paalam. Hinabol siya ni Nico na hindi na rin nakapag paalam dahil nagulat din siya sa inasal ng kaibigan. Maging ako ay nagulat sa kinilos niya. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Si Ariel. Tinext niya ang address ng hospital. Laking gulat ko na sa ospital na pinagtatrabahuhan ng dalawa ay doon din dinala ang biktima. Kailangang pumunta ako sa ospital na yun na hindi nila alam. Mahirap na. Baka pagdudahan pa nila ako.
Nate Victorino's POV
Kailangan kong puntahan ang babaeng pasyente. Kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanila. Agad akong tumayo at umalis. Hinabol lang ako ni Nico na nakasakay sa kotse niya.
"Tol? Ano nangyari?" sabi niya.
"Tol, ihatid mo ako sa ospital." sagot ko.
"Bakit? Diba tapos na shift mo?"
"Basta!" agad akong sumakay sa tabi niya para hindi na siya makatanggi pa. Hinarurot niya ang sasakyan at tila nadala siya sa pagkataranta ko.
"Tol, ano number ni Kara?" tanong ko. Gusto ko lang humingi ng sorry sa inasal ko. Alam kong pangalawang beses ko nang nagagawa sakanya ang hindi magpaalam ng maayos kapag nagpupunta kami sa kanila. Nakakahiya na rin. Binigay ni Nico ang cellphone niya sa akin at ako na ang naghanap. Nagmamaneho kasi siya kaya hindi niya magawa yun. Sinend ko sa cellphone ko ang number ni Kara through bluetooth para mabilis.
Nang mai-save ko ay agad ko siyang tinext.
"Kara, si Nate ito. I'm really sorry sa kanina. Emergency lang kasi. Sana maintindihan mo." then i press send. Ang bilis niya magreply. 10 seconds palang ata ang nakalipas ay tumunog na ang message alert ko.
"Ok." ang tipid naman niya magreply. Siguro okay na nga iyon. Ewan ko ba pero i'm expecting more. Yung tipong "ganun ba, Nate? Mag iingat ka ha?"Sabagay, bakit naman niya gagawin yun? Sino ba naman ako sa buhay niya diba. Ewan ko ba. Para talaga akong tumitiklop 'pag kaharap siya. Hindi naman ako dating ganito eh. Ngayon lang. Ewan ko, iba kasi talaga siya sa mga babaeng nakilala ko. May kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Iba yung pakiramdam ko kapag kaharap ko siya.
END OF CHAPTER 19
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...