Nate's POV
Great. Bigla nalang siyang tumalikod at naglakad palayo. Ako naman, bumalik din ako sa table namin ni Nico. Pagbalik ko ay mukha siyang aligaga at hindi mapakali.
"Bro! i've been looking everywhere for you!" he tapped me on my shoulders.
"Tol, salamat sa pag aalala pero an-"
"Bro! I saw a girl. Ang ganda niya, promise! Kaya nga kanina pa kita hinahanap eh. Makipagkilala tayo." He shouted. Kailangan talaga sumigaw, eh ang ingay eh. Akala ko naman nag aalala sakin ang bestfriend ko. Nakakita lang pala ng bebot. Wala akong interes sa mga ganyan.
"Ikaw nalang. Hintayin nalang kita dito." Sabi ko. Pero hindi talaga siya nagpatinag sa sinabi ko at hinila ako bigla. Maya-maya ay huminto siya at ganun din ako, syempre.
"There she is!" Tinuro niya ang babae sa may sulok. Hindi ko masyadong makita kasi medyo mausok sa kinatatayuan namin. Pero she looks familiar sa malayo. Akmang lalapit si Nico sa babae. Hindi ako sumunod sa kanya. Bahala na siya. Baka madamay pa ako. Naiwan ako sa kinatatayuan ko.
Maya-maya ay nakita ko na nakalapit na siya sa table ng dalawang babae. Tumayo ang isang babae. Mukhang familiar yun ah. Parang nakita ko na siya.
Third Person
Unti-unti ng nag eenjoy sina Karisma at Tinay.
Dahil sa bilis ng pakiramdam ni Karisma ay alam niyang may papalapit sa kanila.
"May lalapit." sabay inom ng iniinom nyang mango juice.
"po?" naguluhan si Tinay sa sinabi ni Karisma. Nagulat nalang siya nang may bumungad sa harapan nila. Isang lalaki.
"Hi. Uhm, i'm Nico. Ang ganda mo naman, May i know your name?" Sabi nito. Agad namang tumayo at lumapit sakanya si Tinay at ipinakilala ang sarili niya. Tinignan naman siya ng lalaki.
"Hi." Tipid nitong sagot. Bumaling ulit ito kay Karisma. "May i know your name, please?"
"Ahh... siya si Kar-" Sabat ni Tinay. Ngunit agad itong hinarang ni Karisma ng sagot. Hindi pwedeng malaman ng iba ang kanyang tunay na pangalan. Mahirap na. Alam nyang hindi ito bampira pero kailangang mag ingat.
"Kara. I'm Kara." Hindi pa rin siya kumportable rito pero kailangan niyang makisama.
Napakunot naman ang noo ni Tinay. Nagtataka ito kung bakit ibang pangalan ang binigay ni Karisma. Nagkibit balikat nalang ito.
"Can i join you?" He smiled. Gwapo naman ito at mukhang mabait naman. Kara just nodded.
"Wait lang ha. May kasama ako eh. Ipakikilala ko sainyo." Tumalikod ito at lumakad papunta sa di kalayuan. May kinausap itong lalaki at pilit niyang hinila papunta sa table nila Kara. Napilit naman niya itong sumama.
Hindi naman napansin ni Kara na nakabalik na si Nico na may kasama dahil nananalamin siya at natatakpan ng hawak niyang salamin niya ang dalawa.
"M-ma'am! M-ma'am!" Nauutal na tawag ni Tinay. Nairita naman si Kara. Kaya itinago na nya ang salamin niya at bumaling kay Tinay.
"What? bakit ka ba sumisi-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil napukaw ang atensyon niya ng kasama ni Nico.
"IKAW NANAMAN?!" Sabay nilang sabi sa isa't isa.
Kara Foronda's Point of View
"IKAW NANAMAN!" nagkasabay pa kami sa pagsasalita. Ano ba naman yan! Bakit ba kami laging pinagtatagpo ng lalaking ito. Medyo Badtrip lang.
"Wait! Magkakilala kayo?" Tanong ng chinitong kasama ni kumag.
"Eh kasi, nagpacheck up kami sa ospital kung saan nurse itong si Nurse Pogi. Nagka allergy kasi itong boss ko eh." Sambit ni Tinay. Siya na ang naging spokesperson ko. Umupo ang dalawa sa tapat namin. Nakakailang lang. Maging siya rin ay halatang naiilang. Yung chinito lang ang laging kumakausap sa akin. Isang tanong, isang tipid na sagot lang ang binibigay ko.
Napapansin ko na tumitingin siya sa akin pero inaalis din niya ito. Ganun din naman ako sa kanya, kaya nga napansin ko na tumitingin siya sa akin eh. Hindi kami nagpapansinan. Tama lang yun. Hindi kami close kaya bakit kami magpapansinan? At isa pa, may kasalanan siya sa akin no! Kung hindi niya ako binangga, edi sana nahuli ko na yung tiwaling kalahi.
"Guys, okay lang kayo? Bakit hindi kayo nagsasalita?" The chinese looking guy asked.
"Wala naman kasing pag uusapan eh. Diba, Kumag?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Kung maka kumag ka ha. Hoy, Miss Pantal, sobra ka na ha. Kanina binangga mo ako, tapos ngayon tatawagin mo akong kumag? Sabi ko sa'yo may pangalan ako! its Nate." paliwanag niya. Whatever! I like calling him Kumag. I just rolled my eyes.
All of a sudden, biglang sumagi ulit sa isip ko ang nangyari kanina. Siguro kung hindi ako sumama ngayong gabi ay malamang wala na si Tinay at mababasa ko nalang sa dyaryo o mapapanood sa TV ang nangyari sa kanya. Naalala ko pa rin ang hitsura niya. Malinaw na malinaw sa akin.
His eyes turned red, Nilabas niya ang fangs niya. Yung tipong tinakot niya ako.
Malamang ay nalaman niyang kalahi ako. Alam kaya nila na ako ang anak ng pinuno? Sana hindi. Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip, hindi ko namalayan na nakalapit na sa akin si Kumag. Paano nangyaring hindi ko siya naramdaman? May something mysterious din itong lalaking mortal na ito eh.
"Hoy! Okay ka lang ba? gaano ka lalim ba yang iniisip mo?" Bulong niya sa akin. Agad naman akong lumayo.
"Huwag mo nga akong lapitan! Hindi pa tayo close." Lumayo naman siya. Maya-maya ay nag aya na ako kay Tinay na umuwi.
"Hatid na namin kayo. Saan ba kayo nakatira?" Sabi ng mukhang chinese na kasama ni Kumag. I dont do this alot pero nag eenjoy na ako sa pagbinyag sa kanila ng bagong pangalan. Tumingin silang tatlo sa akin. Mukhang permiso ko ang hinihintay nila.
"No." Sagot ko. Nanlaki ang mga mata ni Tinay. Expected niya siguro na papayag ako. Marami namang taxi jan sa labas. Tinignan ko ang wristwatch ko. 3:30 am. Medyo nag doubt na ako. Mukhang wala na ngang taxi sa ganitong oras.
"Why Kara? dont worry, may kotse ako. I can drop you kung saan kayo nakatira." Sabi ng kasama ni kumag.
"Sige. Pero hanggang gate lang kayo. Gate ng Village." Ayokong malaman nila kung saan talaga ako nakatira. Mahirap na. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ng mga taong ito.
"O-okay." Sagot nito. Tumayo na kaming lahat at lumabas. Nagtungo kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya.
END OF CHAPTER 12
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...