Kara Foronda's Point of View
Kailangan na namin ng komunikasyon ni Nana Belen para alam ko ang nangyayari sa mansyon. Ngayong nalaman ko na pinaghahanap na pala ako ni Papa. Pagkagising ko ay agad akong dumeretso sa bathroom para maligo at mag ayos. Kailangan ko ng bumili ng cellphone para kay Nana Belen at para sa akin.
Nagpatawag ako ng taxi sa guard para hindi na ako maglalakad pa sa labas. Baka masira lang ang balat ko sa sobrang init. Yes, literally speaking po. Hindi namin kinakaya ang sobrang init. Parang maaagnas ang balat namin kapag na expose sa init ng araw. Ngayon alam nyo na kung gaano kahirap ang maging katulad namin. Maya-maya ay dumating na ang taxi. May mga labahin si Tinay kaya hindi ko na siya naisama. Tutal ay babalik din naman ako agad.
Nadaanan namin ang ospital kung saan nagtatrabaho si Nate. Hindi naiwasang mapatingin. Naaalala ko pa rin ang mga kulay tsokolate nyang mga mata. Napa iling ako. Bakit ko ba naiisip ang lalaking yun! Dapat ko na siyang kalimutan! Hindi ko na siya makikita ulit. Hindi na kami magkikita, kaya Erase!
Ibinaba ako ng taxi driver sa tapat ng mall.
Malayo pa ako sa entrance pero nakikita ko nanaman yung guard na nakatingin sa akin. Hindi pangkaraniwan ang tingin niya sa akin. Kaya tinitigan ko siya hanggang sa makarating ako ng entrance. There's something about him. Nararamdaman ko, he's not ordinary. Habang pinapacheck ko ang bag ko ay nararamdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin. Pagkatapos kong magpacheck ng bag ay tumingin ako sa kanya. Siya na rin ang kusang nag alis ng tingin niya. May mali talaga. I really can feel it. Mukhang mapapadalas ako dito ah. May nakasalubong akong guard kaya naisipan kong magtanong para maumpisahan ko na ang pag iimbistiga. Ngumiti sa akin ang guard.
"Kuya, bago lang po ba ang gwardyang iyon?" tinuro ko ang gwardya na tinutukoy ko.
"Bakit hija? May ginawa nanaman ba yan?" he sounded like hindi ito ang unang beses na may nagreklamo sa guard na ito. Weird.
"Nanaman? may ibang reklamo pa po sa kanya?" sabi ko.
"Oo. Nung isang araw lang may babaeng nag reklamo sa kanya. Tinititigan daw siya ng matalim. Alam nyo kasi ma'am, ganyan po talaga si Ariel. Dalawang buwan palang yan dito. Mabait naman ang batang yan. Tahimik lang po yan." paliwanag ng ma edad na guard na kausap ko. Tinignan ko ulit ang guard na tinutukoy ko. Abala siya sa pag checheck ng bag.
"Anong oras po ang duty niya dito?"
"Hanggang sa mag sara ang mall."
"Ganun po ba, maraming salamat po Kuya."
"o siya sige. Enjoy Shopping Ma'am."
Naglakad na ako palayo papunta sa gadgets department.
Nang mabili ko ang dapat bilhin, tinignan ko ang oras sa aking wristwatch. Hindi ko namalayan ang oras. Alas dos na ng hapon. Ang tagal pa ng aantayin ko. 9pm nagsasara ang mall. Iba talaga ang pakiramdam ko sa taong ito. Nararamdaman kong hindi siya ordinaryo. May kutob ako na isa siya sa mga tiwaling kalahi. Pero hindi ako sigurado, wala siyang suot na kwintas. Pero hindi ko alam, baka itinatago lang niya iyon sa ilalim ng kanyang uniform.
Pero naisip ko lang, hindi kaya napa praning lang ako? Baka naman ganun lang talaga siya tumingin at na misunderstood ko lang ang personality niya.
Makalipas ang ilang oras, nakita ko pa dilim na sa labas. Napag isip isip ko rin na baka kapraningan lang ang iniisip ko. Ala sais na ng gabi. Kailangan ko ng umuwi. Kaya naman lumabas na ako para mag abang ng taxi. Nakita kong wala na sa pwesto niya ang gwardya. 6pm palang ha. Akala ko ba 9pm pa ang labas niya sa trabaho. Nagkibit balikat nalang ako. Maya-maya ay may pumarang taxi sa akin. Nakita kong pinapara din siya ng isang lalaki sa may unahan ko pero sa harap ko siya huminto. Napatingin nalang sa akin ang lalaki. Inisip ko naman na swerte lang siguro ako. Sumakay ako.
"Sa may Doctrine Village lang po." sabi ko sa driver. Hindi naman ito sumagot. Habang nasa daan ay kinalikot ko ang bago kong cellphone. Ang sarap pala magka cellphone. Kaso hindi ko magamit kasi wala pa naman laman ang contacts ko. Maya-maya ay naramdaman ko nalang na huminto ang taxi.
"Mama? Nasiraan po?" alam ko kasi na mejo malayo pa sa village.
Hindi sumasagot ang driver. Nagsimula na akong kabahan. Nakasumbrero siya at nakayuko kaya hindi ko siya mamukhaan. Hahawakan ko sana siya sa balikat para tignan kung kung okay lang siya. Malapit na ang kamay ko sa balikat niya nang bigla niya itong hawakan.
"Araay!" ang sakit naman talaga kasi ng hawak niya sa kamay ko. Mabuti't naalis ko ang kamay ko at tinangka kong buksan ang pinto ng taxi. Ewan ko kung ano ang nilagay niya sa bukasan ng mga pinto, pero nung hinawakan ko iyon ay napaso ako.
Tinanggal niya ang sumbrero niya. Bumungad sa akin ang gwardya sa mall.
"Kamusta, Bampira?" shoot! paano niya nalaman? pero kailangan kong panindigan ang pag papanggap.
"Bampira? Sa ganda kong ito? Teka, wala ako sa mood makipagbiruan kaya pababain mo na ako. Please!" utos ko sa kanya. Nagwawala na ako sa loob ng taxi. Bigla nalang niyang nilabas ang isang maliit na kutsilyo na may kakaibang carvings sa hawakan nito. Ano yan? Matatakot na ba ako? Hmm.. Pero unti unti akong nakakaramdam ng hilo. Parang kinukuha nito ang lakas ko. Nararamdaman ko nalang na unti unti na akong pumipikit.
END OF CHAPTER 15
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...