Chapter 22

4.6K 83 0
                                    

Kara Foronda's POV

Ngayong nasa panig na namin ni Ariel si Hannah, madali na namin mapagpaplanuhan ang lahat. Alam kong hindi magiging madali ang gagawin namin.

"Handa po akong tumulong sainyo, Ate Kara, Kuya Ariel. Sana lang po maipangako nyo lang sa akin na ligtas ang mga magulang ko." sabi ni Hannah sa amin.

"Makakaasa ka." tipid na sagot ni Ariel.

Maya-maya ay inihatid na namin si Hannah sa bahay nila. Gabi na kasi para hayaang umuwi siyang mag isa lalo na't mainit siya sa mga mata ng mga tiwaling kalahi. Walang ibang daan papunta sa kanila kundi sa Palm street. May kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin sa pangalawang beses na pagdaan namin sa street na iyon. Nasa kalagitnaan na kami ng kalye nang biglang nag flat ang gulong ng taxi ni Ariel. Napahinto si Ariel at bumaba siya para i check ang gulo.

"Ka-Kara, tignan mo ito..."

Bumaba ako ng taxi at nagulat ako sa nakita.

May kutsilyong nakatusok sa gulong.

Nagkatinginan kami ni Ariel. Halatang sinadya ito para huminto kami.

Maya-maya ay nakaramdam kami ng malakas na hangin. Nagmadaling kinuha ni Ariel ang extrang gulong niya sa may compartment. Agad niyang pinalitan ang gulong.

Isang pamilyar na boses ang aking narinig.

"Mahal na senyorita. Kamusta ka na?" hinanap ko ang boses na iyon. Nakita kong may isang babae ang naglalakad mula sa madilim na parte ng kalye. Malamang boses niya ang narinig ko. Naging alerto kami ni Ariel. Agad niyang kinuha ang kanyang mahiwagang bolo. Malapit na sa amin ang babae. Huminto ito sa paglalakad. Nakangiti siya sa amin pero ang talim ng kanyang tingin at kulay pula ang kanyang mata.  Pamilyar ang mukha niya. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Kamusta na Karisma? Alam ba ng tatay mo na nandito ka?" sabi niya.

"Sino ka?" i said.

"Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na gumalang sa nakatatanda sa iyo? Hindi mo na ako naaalala? Pero sigurado akong ang anak kong si Nathaniel ay naalala mo." yes! i know her! Ang nanay ni Nathaniel na si Carol. Noon pa man ay hindi na sila pabor ng asawa niya sa alituntunin ng ang aking ama.

"Carol... Kung ganon kayo ang namumuno sa mga tiwaling kalahi! At isinama nyo pa si Nathaniel sa mga katiwalian nyo!" singhal ko sakanya. Pero tinawanan niya lang ako.

"Iniisip mo bang sumama sa amin ang anak ko? Alam mo bang itinakwil na niya kami para lang sa paniniwala niya kay William? Namumuhay siya ngayon bilang tao. Pero alam kong balang araw babalik din siya sa amin at pang nangyari yun, papatayin namin kayong lahat!" sabi niya. Bigla nalang siyang naglaho sa dilim. Nakaramdam ako ng pagkapanatag sa sinabi ni Carol tungkol kay Nathaniel. Hindi naging katulad nila ang kababata ko. Natutuwa akong malaman iyon. Kailangan nalang ngayon ay mahanap ko si Nathaniel. Nasaan na kaya siya ngayon? Alam kong makakatulong siya sa akin para pigilan ang mga magulang niya. Nararamdaman kong mag isa nalang siya ngayon at kailangan niya ng kasama.

Nate's POV

Habang nasa Nurse station ako ay nag iisip ako ng paraan para maproktektahan ang dalagitang si Grace. Hindi naman kasi lagi ako andito sa ospital para mabantayan siya. At lalong lalo namang hindi ko pwedeng sabihin ang tunay kong pagkatao, baka lumayo siya sa akin at lalo ko siyang hindi ma protektahan laban sa mga magulang ko at tiwaling kalahi. Ano kaya kung bumalik ako sa bundok at humingi ng tulong sa samahan? Kaso, kalaban na rin ang turing nila sa akin dahil mga magulang ko sina Carol at Baron Victorino. Malamang hindi na nila ako paniniwalaan kung sakali man na magpunta ako roon.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay biglang may gumulat sa akin at nagpabalik sa ulirat ko.

"Nurse Pogi! Ang lalim ng iniisip natin ha! eto nga pala ang asawa ko. Tatay ni Grace."

"Kamusta hijo. Salamat sa pag aasikaso sa anak ko."

hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ang nanay ni Grace? at t-tatay niya? Eh sino yung mga nakasalubong ko kanina?

"Misis, diba po umakyat na kayo kanina?" tanong ko sa kanya. Biglang umiba ang hitsura ng reaksyon niya.

"Naku hindi ka pa siguro naghahapunan no? Kakarating lang namin. Eh naiwan kasi namin itong kutson kaya natagalan kami kasi bumalik pa ulit kami sa bahay, eh saan matutulog itong asawa ko, eh isa lang ang sofa nyo." sabi niya. Bigla namang tumunog ang speakerphone ko na nakakonekta sa kwarto ni Grace. Isang malakas na sigaw ang narinig namin. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya. Naghagdanan nalang ako para mabilis dahil ang haba ng pila sa elevator.

Habang tumatakbo ay hindi ko na napigilan ang mapaluha. Sobra akong nag aalala para sa dalagita. Sinisi ko rin ang sarili ko dahil pwede ko pa sanang mapigilan ang nangyari pero pinabayaan ko lang. Ako dapat ang sisihin dito. Pagdating ko sa third floor ay nagkakagulo na ang mga tao sa harap ng room 304.

"Anong nangyari?" tinanong ko ang isa sa mga tao sa harap ng room 304.

"May ilang malalakas na sigaw ng babae sa loob. Biglang namatay ang ilaw sa loob at naka lock ang pinto kaya walang nagtatangkang pumasok. Natatakot sila." sabi ng babae.

Matapang kong hinawi ang mga tao at nagpakilala ako na ako ang nurse na naka assign sa pasyenteng nasa loob. Umatras sila. Binuksan ko ang pinto pero naka lock ito. Pero wala ng oras para hanapin pa ang susi. Bahagya ako umatras para tadyakan ang pinto. Naka bwelo na ako para tumadyak nang bigla itong bumukas ng dahan-dahan. Tahimik na sa loob. Bukas ang bintana kaya ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin habang papasok ako. Binuksan ko ang ilaw. Agad akong dumeretso sa kama ni Grace ngunit huli na ang lahat. Patay na siya at wala na ang kanyang puso. Para akong nanigas sa sobrang galit ko. Alam kong mga tiwaling kalahi ko ang gumawa nito sakanya. Narinig kong parating na ang mga magulang niya. Maya-maya ay nakita na nila ang sinapit ng anak nila. Hindi na napigilan ng ina ni Grace ang mapahagulgol nang makita ang bangkay ng anak.

"Patawarin nyo po ako, hindi ko siya nabantayan ng maayos." sabi ko.

"Wala kang kasalanan. Ang mga pesteng halimaw na yan ang dapat magbayad!" sabi ng ama ni Grace.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha ulit sa nakita.

END OF CHAPTER 22

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon